TV

Carla Abellana at Beauty Gonzalez, nagsimula na ng taping ng 'Stolen Life'

By Maine Aquino

Nag-taping na sina Carla Abellana at Beauty Gonzalez para sa kanilang bagong proyekto sa GMA Network na Stolen Life.

Ang Stolen Life ay ang GMA Afternoon Prime drama tungkol sa astral projection na ipapalabas ngayong 2023. Makakasama nina Carla at Beauty sa seryeng ito si Gabby Concepcion.

Sa Instagram stories nina Carla at Beauty ay ipinakita nila ang ilang behind-the-scenes photos nila sa set ng Stolen Life.

Saad ni Carla habang nakahiga siya sa eksena, "Oh, the things we do for work."

PHOTO SOURCE: @carlaangeline

Si Beauty naman ay inilahad na second day taping na nila sa inaabangang Afternoon Prime series.

PHOTO SOURCE: @beauty_gonzalez

Sa Stolen Life, mapapanood ang kuwento ng babaeng "mananakawan" ng buhay dahil sa astral projection.

Si Carla ay mapapanood dito bilang si Lucy, si Beauty ay gaganap bilang si Farrah, at si Gabby naman ay gagampanan ang karakter na Darius.

Bukod kina Carla, Beauty, at Gabby, mapapanood din sa kakaibang Kapuso serye sina Celia Rodriguez, David Aucina, Anjo Damiles, Lovely Rivero, at William Lorenzo.

Ang Stolen Life ay sasailalim sa direksyon ni Jerry Sineneng. Abangan ang Stolen Life sa GMA Afternoon Prime simula July 3.