GMA Logo Jak Roberto
Courtesy: jakroberto (IG)
What's Hot

Jak Roberto, may matutupad na kahilingan dahil sa upcoming series na 'The Missing Husband'?

By EJ Chua
Published February 9, 2023 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Jak Roberto, may nami-miss daw gawin bilang isang aktor. Ano kaya ito? Alamin DITO:

Ang Sparkle star at tinaguriang Pambansang Abs na si Jak Roberto ang isa sa mga bibida sa upcoming mystery drama series na The Missing Husband.

Kasunod ng official announcement tungkol sa seryeng ipapalabas sa GMA ngayong 2023, ibinahagi ni Jak sa isang panayam na isang kahilingan niya bilang aktor ang matutupad dahil sa bago niyang proyekto.

Ayon sa aktor, “Matagal ko nang gusto talagang gumawa ng aksyon ulit.”

Bukod dito, excited si Jak dahil ngayon lang daw niya makakatrabaho sa isang TV project ang karamihan sa kabilang sa cast ng serye.

Pagbabahagi niya, “Halos lahat yata ngayon first time ko lang makakatrabaho sa teleserye.”

Matatandaang noong 2017 napanood si Jak sa GMA action-adventure fantasy series na Super Ma'am, na pinagbidahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Noong nakaraang taon, napanood naman si Jak sa GMA television drama sports series na Bolera, na pinagbidahan ni Kylie Padilla.

Samantala, ilan sa makakasama ni Jak sa bagong explosive drama na ipapalabas ngayong 2023 ay sina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Joross Gamboa, Nadine Samonte, at Sophie Albert.

Iikot ang istorya ng serye sa college sweethearts na sina Anton at Millie, na gagampanan nina Rocco at Yasmien.

Abangan ang karakter ni Jak Roberto sa The Missing Husband, mapapanood na ngayong 2023, sa GMA Afternoon Prime.

TINGNAN ANG ILANG PROYEKTONG NAIS MATUNGHAYAN NG MGA KAPUSO AT NG MGA MANONOOD NGAYONG TAON SA GALLERY SA IBABA: