
Magiging abala sa trabaho ang real life Kapuso couple at Sparkle stars na sina Mikee Quintos at Paul Salas ngayong parating na Valentine's Day.
Nasa taping kasi sila ng upcoming romance drama with a touch of fantasy na The Write One. Mula sa GMA Public Affairs, ito ang unang serye na mula sa collaboration ng GMA Network at Viu Philippines.
"Nakakakilig kasi ang first taping day na magkakasama kami ni Paul is Valentine's Day," bahagi ni Mikee.
"'Yun na 'yung date namin. At saka first time ko na mag te-taping doon. 'Yung mga iba't ibang cast namin, talagang ang gagaling so ako naha-hype na ako at gustung gusto ko nang mag-work," pagsang-ayon naman ni Paul.
Una nang nakapag-tape si Mikee para sa serye kasama ang mg bida nitong sina Ruru Madrid at Bianca Umali.
Source: paulandre.salas (IG)
Looking forward sina Mikee at Paul na makatrabaho ang dalawa dahil mga kaibigan rin nila ang mga ito.
"Iba 'yung pressure dahil magkakaibigan kami. Mayroon kaming pride sa isa't isa. It feels healthy. The competition is really healthy between us. Nakaka-excite lalo kasi excited kaming makita kung ano 'yung malalbas namin sa isa't isa," lahad ni Mikee.
Panoorin ang buong panayam nina Mikee at Paul sa 24 Oras sa video sa itaas.
SAMANTALA, SILIPIN ANG FIRST TAPING DAY NG UPCOMING SERIES NA THE WRITE ONE DITO: