Showbiz News

Poong, the Joseon Psychiatrist: Ang misteryosong bata | Week 3 recap

By Kristian Eric Javier

Noong nakaraang linggo, napatunayan ni Poong na walang kasalanan si Man-bok sa pagpaslang sa isang taong nakita niya lang sa gubat. Bukod pa doon ay may mga naimbestigahan din sila ni Seo Eun-woo sa Gyesu Village tungkol sa mga nakaraang pagpatay sa mga tao.

Nakilala ni Jang-goon ang isang bata, si Seok-cheol, at sinama ito sa kanilang bahay para kumain. Dito, sinabi ni Seok na sana ay sa bahay na lang ito ni Jang nakatira.

Sinubukang alukin ni Jang ang bagong kaibigan ng asukal ngunit takot na takot itong tinabig ang lalagyan habang nakatingin si Poong galing sa itaas. Nang matikman nito ang asukal ay sinabi ni Seok na masarap ito ngunit kita sa mukha ni Yoo Se-poong ang pag-aalala sa bata.

Paglabas ni Poong sa silid ay sinalubong siya ni Seo Wun-woo. Sinabi naman ni Jang at ng lola na maganda ang dalaga. Kahit si Gye Ji-han ay hindi raw ito nakilala dahil sa ganda at bihis nito.

Bumalik si Seok kina Poong nang nakayapak at nagdedeliryo kaya't ipinasok agad siya ng doktor para makainom. Kitang-kita rin na hindi maganda ang kalagayan ng bata.

Hindi nagtagal ay dumating ang nanay ni Seok at hinahanap siya. Dito nalaman ni Poong na hindi maganda ang nararanasan ng bata sa ama nitong si Lord Jo, at sa tunay nitong asawa.

Para kay Poong, hindi nila maaaring pauwin si Seok dahil maaaring ikamatay daw ng bata ang pagbalik niya sa bahay dahil sa mga dinadanas nito.

Sa pag-iimbestiga nina Seo at Poong, nalaman nilang ang mama mismo ni Seok ang may kagagawan sa nangyayari sa bata. Gumawa ito ng paraan para magmukhang may sakit si Seok at isinisi ang lahat sa tunay na asawa ni Lord Jo.

Sa galit, naglabas ng kutsilyo ang mama ni Seok at sinubukang saksakin si Poong, ngunit nagawang humarang ni Seo. Akala nila ay nasaksak na ang dalaga pero nakapa nito na ang lalagyan pala ng mga karayom ni Poong ang tinamaan.

Sa tuwa na ligtas ang kaibigan ay niyakap ni Poon si Seo. Samantala, sinisisi pa rin ng mama ni Seok si Lord Jo sa dinanas ng anak, at sinabing walang pinagkaiba ang ginawa niya sa ginawang pagbubugbog ni Lord Jo dito.

Panoorin ang medical drama na Poong, the Joseon Psychiatrist sa GMA, Mondays to Thursdays ng 10:20 pm at Fridays ng 10:35 pm.

KILALANIN SI KIM HYANG-GI, ANG AKTRES NA GUMAGANAP BILANG SI SEO EUN-WOO: