What's Hot

Kokoy De Santos, inamin na lumalabas silang dalawa ni Angel Guardian

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 20, 2023 9:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alice Guo to undergo 60-day orientation, assessment in women’s correctional —BuCor
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar
Number coding suspended on Dec. 8

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Guardian Kokoy De Santos


Nanliligaw na ba si Kokoy kay Angel? Alamin ang sagot DITO:

Inamin ng aktor na si Kokoy De Santos na "special friend" na ang turing niya sa kanyang kapwa runner sa Running Man Philippines na si Angel Guardian.

Sa interview ng aktor sa 24 Oras, matapang na sinabi ni Kokoy na matimbang talaga sa puso niya si Angel, na napapansin na rin ng maraming mga tao.

"Madalas 'pag wala kaming work, magkikita kami, minsan kaming dalawa, minsan si Buboy," kuwento ni Kokoy sa panayam ni Cata Tibayan sa 24 Oras.

Nang tanungin kung nililigawan na niya si Angel, ang maikling sagot ni Kokoy ay, "Special friend ko 'yun, e."

A post shared by Running Man Philippines (@gmarunningmanph)


Sa guesting ng dalawa sa The Boobay and Tekla Show, sinabi ni Angel na ang tipo niya sa isang lalaki ay isang morenong may dimple, parang si Kokoy.

"Hindi lang naman si Kokoy ay morenong may dimples," depensa ni Angel nang intrigahin ng host na si Boobay kung si Kokoy ang pinapatungkulan niya.

Kapag niligawan kaya siya ni Kokoy ay may tsansa ito sa kanya?

"Tingnan natin. Siyempre depende 'yon, 'di ba? Syempre kailangan maramdaman mo na gusto ka talaga.”

Bukod sa Running Man Ph, nagkasama rin sina Kokoy at Angel sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento bilang sina Patrick at Beth.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI KOKOY SA MGA LARAWANG ITO: