Showbiz News

What you've missed from the Kapuso Month live chat


It was indeed a kilig-filled afternoon as Kapuso love teams Aljur Abrenica and Louise delos Reyes, and Jeric Gonzales and Thea Tolentino chatted with their fans online at the GMANetwork.com studio last February 11.

Unang nakipagkulitan sa kanilang fans ang Protege Season 2 grand winners at bida ng dating Afternoon Prime series na Pyra Babaeng Apoy na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino.

Narito ang kanilang chat transcript:

audreyo__15: kwento naman kayo sa random facts abt sa inyo.
Jeric: adik ako sa kape. kahit anong klasing kape titikman ko yan
Thea: anime, fan ng Jpop, anything japanese

heymariel13: thea maliban kai jeric cnu ang gusto mo makatambal..
Thea: Tom Rodriguez :D omegerd

lara0822: Hi Jeric. namimiss na namin kau ni thea mapanood sa shows ng GMA. May upcoming project ba kayo together?
jericthea: wAla pa pero hoping na magkaroon. :))

bubblyqueenie21: Ano yung mga dream roles nyo? Kung kayo papipiliin?
jeric: hero roles
thea: kontrabida roles.

bubblyqueenie21: TO Jeric: Hi Je :D Who is your showbiz crush? Local and International :D
Jeric: Nina Dobrev and Marian.

rj2159927: Hi Jeric Nakita Kita Sa Morato 3 Weeks Ago Sobrang Happy Ako
jeric: hi. nakita din kita :)) happy din ako

jamaica_j: hi jeric and thea! may upcoming projects ba kayo?
jericthea: as of now wala pa. :)


After Jeric and Thea, nakipag-chat din ang Kambal Sirena stars na sina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes.

First time na magtatambal ang dalawa kaya naman excited nilang sinagot ang mga katanungan ng chatters about their upcoming series.

Here are some of the questions that they answered:

Q: Louise, mahirap bang maging sirena?
Louise: Mahirap na masarap. Mahirap, kasi sanay tayo na dalawa ang paa natin. Maganda siyang tingnan kasi may buntot ka. Nakakatuwa maging sirena kasi feeling mo talaga kapag nasa tubig ka para kang isda.
Aljur: Humanga talaga ako kay Louise kasi napanood ko sa Instagram niya 'yung training niya. Parang sirena na siya gumalaw.

Q: Mas gusto mo bang ka-love team si Aljur?
Louise: Si Aljur kasi, nag-start kami bilang magkaibigan talaga. Kilala ko na siya bilang si Aljur talaga, hindi bilang si Aljur na artista, si Aljur sa set, si Aljur na nagbabasa ng script. Ngayon lang talaga kami nagkasama, and so far so good naman.

Q: Naninibago ba kayo sa isa't isa? Nakapag-bonding na ba kayo?
Aljur: Matagal na kaming magkakilala ni Louise pero hindi ko makakalimutan ang araw na nag-guest kami sa Kusina Master. Naririnig ko 'yung mga tao sa likod na nagsasabi 'Ang ganda ni Louise.' Hindi ko makalimutan kasi tinitigan ko siya. Doon ko nakita si Louise, at napaka-swerte ko na nakita ko kung gaano siya kaganda. 'Yung beauty niya ay hindi nakakasawa.

Q: Hi Louise, anong katangian ng isang lalake ang gusto mo at masasabi mo na nakita mo kay Aljur?
Louise: Simple lang talaga ang gusto ko sa isang lalake - mabait. Bonus na lang kung guwapo siya. Gusto ko 'yung makakasundo ko, 'yung wala kang dull moments. Gusto ko 'yung maipagtatanggol ka rin. Nakikita ko kay Aljur ang pagiging gentleman. Siya 'yung typical na Pinoy na Pinoy na aalagaan ka, susuyuin ka, papakiligin ka. Kapag mahal niya talaga ang isa tao, ipaglalaban niya talaga kahit anong mangyari. Mga girls, 'yun ang dapat niyong makita sa mga lalake. Si Aljur, isa sa mga piling lalaki na ganun.

Q: Aljur, describe Louise in three words.
Aljur: Parang kulang ang three words. Excellent siya sa punctuality, God-fearing, independent, may paninindigan at loving.


Nabitin ba kayo sa chat na ito? Abangan ang exclusive gallery at webisode, soon on GMANetwork.com.

- Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com