Showbiz News

Rian Fernandez, tinahi ang gown ni Lovely Jane na namatayan ng ina sa mismong 18th birthday

By Aimee Anoc

Personal na itinahi at ginawa ng Filipino designer na si Rian Fernandez ang gown na iniregalo nito sa debutanteng si Love Jane Pio, na namatayan ng ina sa mismong ika-18 taon niyang kaarawan.

Si Rian ay kilala sa fashion industry bilang isang designer sa mga kilalang beauty pageants tulad ng Miss World Nicaragua, Miss Earth, Mutya ng Pilipinas, Miss Grand Thailand 2017, at ilang Miss Universe candidates mula 2016, 2017, at 2019. Siya mismo ang nagdisenyo ng gown na isinuot ni Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel sa kanyang winning moment.

Tampok ang nakaaantig na kuwento ng buhay ni Love Jane sa "Debutante" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, na bibigyang-buhay ni Sparkle actress Althea Ablan.

Makakasama ni Althea sa episode ng ito ang batikang aktres at television director na si Gina Alajar, na gaganap naman bilang Rosinie, ang pumanaw na ina ni Lovely Jane.

Abangan ang "Wish Ko Lang: Debutante" ngayong Sabado, February 25, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI ALTHEA ABLAN SA GALLERY NA ITO: