Kilalanin ang ilan sa mga artistang tinuturing anak ni Vic Sotto sa industriya.
Mula sa Kalyeserye hanggang sa big screen, si Vic ang gumanap na tatay ng characters ni Maine Mendoza. Ngayon, mapapanood ang kanilang father-daughter tandem sa Kapuso comedy series na 'Daddy's Gurl.'
Alagang-alaga ni Vic si Ryzza Mae Dizon sa 'Eat Bulaga.'
Tila tunay na anak na ang turing ni Vic sa pinakabatang dabarkad na si Bae-by Baste.
Si Ice Seguerra ang masasabing original at iconic daughter figure ni Vic sa mga palabas tulad ng 'Okay Ka Fairy Ko' at pelikulang 'Enteng Kabisote.'
Ang dating produkto ng 'That's My Boy' na si Goyong ay lumaki rin sa patnubay ni Vic nang maging bahagi siya ng 'Eat Bulaga'
Gumanap na bunsong anak ni Vic si Isabelle de Leon bilang si Duday sa 'Daddy Di Do Du.'
Naging anak din ni Vic si Maxene Magalona bilang si Donna sa 'Daddy Di Do Du.'
Naranasan na rin maging tatay ni Gabbi Garcia si Vic nang magsama sila sa family comedy film na 'Meant To Beh.'
SI JC Santos ay gumanap na rin bilang anak ni Vic sa pelikulang 'Meant To Beh.'
Naging anak ni Vic si Barbie Forteza sa comedy horror film na 'Ang Darling Kong Aswang.'
Sa parehong pelikulang 'Ang Darling Kong Aswang,' gumanap din na anak ni Vic si Mika dela Cruz.
Mula rin sa 'That's My Boy,' naging anak-anakan din ni Vic si BJ Forbes na mas kilala bilang si Tolits.
Ang mga tunay na anak ni Vic na sina Danica Sotto at Oyo Sotto, madalas din gumanap bilang anak ni Bossing sa kanyang mga palabas.