advertisement
Showbiz News

TINGNAN: Celebrities na biktima ng sexual harassment

1 of 15

Kat Alano

Idinetalye ng model na si Kat Alano sa April 24, 2016 episode ng podcast show ni DJ Mo Twister na 'Good Times With Mo' ang umano'y pangre-rape sa kanya ng isang public figure na hindi niya pinangalanan. Kwento ni Kat, inihatid siya nito sa kanyang apartment matapos magkainuman sa isang bar, at doon siya sapilitan ni-rape.

2 of 15

Yasmien Kurdi

Ganito rin ang sinapit ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi mula sa aktor na si Baron Geisler. Naghain rin ng acts of lasciviousness complaint si Yasmien noong 2009 kontra sa aktor matapos magpakita ng kabastusan habang nasa taping. Bukod sa acts of lasciviousness complaint, nagsampa rin ang aktes ng unjust vexation complaint laban dito.

3 of 15

Patrizha Martinez

Nagsampa ng sexual harassment and acts lasciviousness complaint ang anak nina Yayo Aguila at William Martinez na si Patrizha Martinez laban kay Baron Geisler noong 2008. Ibinunyag ni Patricia na hinipuan siya ng aktor habang nasa isang bar sa Makati.

advertisement
4 of 15

Maureen Mauricio

Naka-move on na ang aktres na si Maureen Mauricio sa masaklap niyang sinapit noong 12 taong gulang pa lang siya. Ayon sa report, pinaghubad siya ng direktor habang nasa audition ng isang talent search.

5 of 15

Julia Clarete

Nakaranas din ng sexual harassment ang dating 'Eat Bulaga' mainstay na si Julie Clarete. Noong una ay nanahimik ang TV host para hindi lumaki ang isyu, ngunit hindi kalaunan ay inihayag niya rin ang pambabastos ni Baron. Nangyari ang panghihipo ng aktor kay Julia habang kumakanta ito sa stage.

6 of 15

Cherry Pie Picache

Kabilang din sa mga nabiktima ni Baron ang multi-awarded actress na si Cherry Pie Picache. Ayon sa report, lasing si Baron noong hinipuan niya ang aktres habang nasa taping para sa isang show. Nag-file ng complaint ang aktres sa ABS-CBN management at sa Professional Artist Management, Inc (PAMI) para madisiplina ang aktor.

advertisement
7 of 15

Maggie Wilson

Hindi nagdalawang-isip si Maggie Wilson na punahin ang pambabastos ng Chinese sponsors noong kandidata pa siya sa Miss World 2017. Sabi niya, "Chinese sponsors sila, isang malaking kumpanya. Nabastos ako. Ay, sinampal ko talaga siya, 'no! 'Yung humawak sa akin. Sabi ko, 'Don't touch me!' Ginanu'n ko siya. Diyos ko, I'd rather have my dignity, 'di ba? I'd rather have my dignity than pumayag ako na bastusin ako para manalo ako, 'di ba?"

8 of 15

Sunshine Cruz

Matapang na inihayag ng aktres na si Sunshine Cruz ang naranasan niyang physical, psychological, and sexual abuse mula sa kanyang estranged husband na si Cesar Montano. Ni-rape diumano siya nito noong Mother's Day, 2013. Bukod dito, inakusahan din ni Sunshine si Cesar ng paglabag sa Republic Act 9262 o and Anti-Violence against Women and Children's Act of 2004 dahil sa pambubugbog nito.

9 of 15

Rhian Ramos

Inilahad ni Rhian Ramos sa isang Instagram post noong 2016 ang panghaharas sa kanya ng isang lasing na lalaki sa isang bar. Dahil sa pangyayaring ito, gumawa ng proyekto si Rhian para magbigay ng kamalayan tungkol sa sexual harassment. Bahagi nito ang pagbibigay niya ng pepper sprays sa mga kababaihan sa MRT Ayala Station noong bisperas ng Valentine's day ng 2017.

advertisement
10 of 15

Ambra Gutierrez

Isa lamang ang Filipina-Italian model na si Ambra Gutierrrez sa mga biktima ng sexual misconduct ng Hollywood producer na si Harvey Weinstein.

11 of 15

Gretchen Fullido

Mainit na usapan ngayon ang pagsampa ng showbiz anchor na si Gtrechen Fullido ng sexual harassment at libel charges laban sa katrabaho nito sa ABS-CBN News and Current Affairs.

12 of 15

Miss Earth 2018 candidates

Hindi natapos ni Miss Earth-Canada Jamie VandenBerg ang kanyang pageant competition habang nasa Pilipinas dahil sa isang sponsor na 'di umano'y nanghihingi sa kanya ng sexual favors. Maging sina Miss Earth-England Abbey-Anne Gyles-Brown at Miss Earth-Guam Emma Sheedy ay inireklamo rin ang naturang sponsor ng sexual harassment.

Related:

Miss Earth organizer speaks up about alleged sexual harassment incidents

advertisement
13 of 15

Bea Rose Santiago

Ibinunyag ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago sa isang Facebook post noong November 12 na biktima rin siya ng sexual harassment. Ayon sa kanyang post, diumano'y minolestiya siya ng isang pari noong bata pa lang siya, at hinipuan ng isang sikat na businessman.

14 of 15

Lauren Young

Bilang tugon sa kontrobersyal na tweet ng TV personality na si Ben Tulfo tungkol rape victim-blaming, ibinahagi ni Lauren Young ang isang hindi magandang karanasan habang nasa isang bar sa Boracay. Kalakip ng #HijaAko, na unang ginamit ni Frankie Pangilinan, inilathala ng Kapuso actress sa Twitter na balot ng damit ang kanyang katawan nang may biglang dumakma sa kanyang dibdib. "I was at a bar in Boracay, sober, with my friends and a guy kept harrassing everyone there. He kept talking to me and bothering me and just grabbed my boobs out of nowhere. I was fully covered up even at the beach and yet he violated me publicly," salaysay ni Lauren.

15 of 15

Janina Vela 

Ang sunud-sunod na sexual harassment encounters ang nag-udyok sa YouTube vlogger na si Janina Vela na labanan ang ideya ng rape culture sa bansa. Ayon sa kanyang tweet, hindi sapat na rason ang kasuotan ng isang babae para ito mabiktima ng rape dahil pananagutan ito ng may sala. Kuwento niya, "I was 17 when a man slipped his hand into my oversized denim jumper. 18, when a man unzipped my large coat to touch me. At 19, I was wearing baggy pants, only still to be groped," bahagi niya. "Stop blaming women for their clothes. Start holding men accountable for their actions."

advertisement