
Isa sa highlights ng katatapos lang na 18th birthday party ni Jillian Ward ay ang pasabog na performances niya at ng mga inimbitahan niyang music artists.
Sa mismong engrandeng debut ni Jillian, ipinamalas ng Kapuso singer na si Zephanie ang kaniyang husay sa pag-awit.
Spotted ang singer sa debut habang kasama ang kaniyang best friend at Luv Is: Caught in His Arms actor na si Michael Sager.
Suot ang kaniyang sparkly purple outfit, bumirit si Zephanie on stage, na talaga namang hinangaan ng debut guests ng Abot-Kamay Na Pangarap star.
Ilang beses na pinalakpakan ng guests si Zephanie habang kumakanta sa stage dahil talaga namang kahanga-hanga ang kaniyang talento sa pag-awit.
Sa previous interviews ni Jillian, una na niyang ibinahagi na magiging exciting ang kaniyang birthday party dahil ilang mahuhusay na artists ang inimbitahan niya na mag-perform sa naturang event.
Bukod kay Zephanie, nag-perform din sa party ang Filipino band na Magnus Haven, at ang The Clash champions na sina Mariane Osabel at Jessica Villarubin.
Samantala, patuloy na napapanood si Jillian bilang si Analyn Santos sa tunay na pinag-uusapang drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ang naturang serye tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA DUMALO SA ENGRANDENG DEBUT NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: