
Miss n'yo na rin ba ang tambalang FiLay nina Pambansang Ginoo David Licauco at Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza?
Muling nagpakilig sina David at Barbie sa isang post ng Sparkle GMA Artist Center sa Instagram kung saan mabining sumayaw ang dalawa sa kantang "Snowman" ng Splice Records.
"Heto and ayuda ng kilig forda weekend mga Saklays! Miss niyo na ba ang #FiLay?"
Sa comments section, ipinarating ng fans ang kanilang excitement na muling makita sa telebisyon ang tambalang David at Barbie.
Ngayong Marso, muling magtatambal sina David at Barbie para sa "The Lady and The Curse" episode ng weekend anthology series na Daig Kayo Ng Lola Ko.
TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA DAVID LICAUCO AT BARBIE FORTEZA SA GALLERY NA ITO: