Showbiz News

Bianca Manalo kusang nilapitan ang fans na mga OFW sa airport

By Jansen Ramos

Pinasaya ng beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo sa airport ang isang grupo ng OFW na mga tagahanga niya.

Ayon sa Instagram post ng Magandang Dilag actress noong March 2, kusa niyang nilapitan ang mga ito para makapagpakuha ng litrato sa kanya bago bumalik ng Dubai.

Kuwento ni Bianca, nahiyang lumapit ang mga ito sa kanya hanggang sa tinanggal niya ang kanyang face mask at nakipagkilala para i-accommodate ang simple request ng kanyang mga kababayan.

"At the airport, while waiting for the announcement of my boarding gate; because I intentionally wanted to be there early to shop but all stores are still closed or probably closed early.

"I heard a group of passersby looking at me. “Si ano yan. Oo si ano. Yung asawa ni ano. Oo yung artista” paulit ulit sila.

"So I removed my mask sabi ko. Yes po hello po. Then lumapit silang lahat “sabi sayo si Miss Bianca e, pwede po ba pa picture?” Of course! Uuwi na daw sila galing Dubai.

"Welcome back to our home, mga kababayan ko."

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo)

Sa comments section ng nasabing post, nagpahiwatig ng paghanga ang kanyang followers dahil sa kanyang pagiging friendly sa kanyang fans.

Dito rin tumambad ang ilan pang testamento sa kabutihan ni Bianca sa mga kapwa niya Pinoy.

Isa si Bianca sa mga bagong Kapuso na mapapanood sa GMA. Ipinakilala siya bilang newly-signed artist ng network sa contract signing event na "Signed For Stardom" na ginanap noong November 2022.

Mapapanood si Bianca sa upcoming GMA series na Magandang Dilag, na first project niya sa Kapuso network. Pagbibidahan ito nina Herlene Budol, Benjamin Alves, at Rob Gomez.

Parte rin ng cast ng serye ang mga aktor na sina Sandy Andolong, Al Tantay, Chanda Romero, Maxine Medina, Adrian Alandy, Angela Alarcon, at Jade Tecson.

NARITO ANG IBA PANG BAGONG KAPUSO STARS: