Showbiz News

Julie Anne San Jose talks about working with Rayver Cruz on 'The Cheating Game'

By Bianca Geli

Isang panibagong pelikula ang dapat abangan ng JulieVer fans dahil magtatabal sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa unang pagkakataon para sa pelikulang The Cheating Game.

May pasilip ang Unang Hirit para sa pelikula na tiyak na magpapakilig at magpapaiyak sa mga fans.

Binista ng Unang Hirit ang last taping day ng reel-to-real life couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

"I'm playing the role of Hope Celestial, isa akong celestial being, joke,"sabi ni Julie Anne.

"Pero 'yun talaga ang tawagan namin ng family ko sa movie. Nag-work ako sa NGO namin, pero umalis ako dahil hindi ko na kaya 'yung mga ganap ko sa buhay."

"There was a phase where Hope got cheated on, she got cheated on with life, she got cheated on by her partner."

Dahil madalas makita si Julie Anne bilang performer, excited siyang mapanood sa pelikula.

"I'm really excited about this kasi, bukod sa first time namin magiging magkatrabaho sa isang movie, mas mature na siguro 'yung story ang 'yung attack and execution ng mga scenes. Hindi na kami pa-tweetums."

"Yung character ko mas relatable sa mga manonood, kapupulutan talaga siya ng aral."

Si Rayver naman ay gaganap bilang Miguel, ang magpapakilig at magpapawindang sa buhay ni Hope.

At dahil unang pagkakataon nilang magsama sa pelikula, kumusta ang working relationship nila?

"We've always been sweet on and off cam, I've never had a hard time working with Ray kasi magkakilala naman kami even before pa. We've been best friends, we've been very close. Siguro mas lumalim lang 'yung work relationship namin kasi mas comfortable na kami sa isa't isa.

Abangan ang JulieVer sa The Cheating Game, at panoorin sila sa All-Out Sundays tuwing linggo, 12 p.m. sa GMA-7 with simulcast on GTV, iMovies, and Heart of Asia.,

BALIKAN ANG VALENTINE'S OUTING NG JULIEVER: