GMA Logo Andrea del Rosario
What's Hot

Landlady na tinakbuhan at siniraan ng tenant, sinorpresa ng negosyo packages ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published March 14, 2023 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea del Rosario


Isang sorpresa ang inihanda ng 'Wish Ko Lang' para sa misis na si Vangie, na nalugi matapos na takbuhan at siraan ng dati niyang tenant.

Nasaksihan sa "Sinapian" episode ng Wish Ko Lang noong Sabado ang kuwento ng dating landlady na si Vangie (Andrea del Rosario), na nalugi ang paupahan matapos na siraan at takbuhan ng dati niyang tenant.

Sa kabila ng pagpapasensya at pag-intindi kahit ilang buwan nang hindi nakababayad ng upa ang tenant niyang si Gracia ay nagawa pa siyang siraan nito.

Wala nang gustong umupa sa paupahan ni Vangie matapos na ipagkalat ni Gracia (Cess Quesada) na mayroon daw multo rito at sinasapian ang anak nito. Ito ang ginawang dahilan ni Gracia para hindi magbayad ng upa.

Malaking tulong sana para kay Vangie ang paupahan niyang bahay na inilalaan niya para sa pag-aaral ng anak na si Josephine (Shanelle Agustin).

Ibinenta na lamang ni Vangie ang kanyang paupahan at ngayo'y nagtitinda ng umagahan at pang-merienda para makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng pamilya.

Kaya naman isang sorpresa ang inihanda ng Wish Ko Lang at ng Fairy Godmother na si Vicky Morales kasama ang Sparkle artist na si Hannah Arguelles.

Kasama sa negosyo packages na nagkakahalaga ng PhP60,000 ay ang food cart merienda business, bigasan business, frozen meat business, kimchi business, leche flan business, at yema spread business.

Hindi rin mawawala ang Wish Ko Lang Savings, tulong na pinansyal ng programa para sa pamilya ni Vangie.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG ILANG INSPIRING STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: