
Nagsama-sama ang cast at ilang mahahalagang tao mula sa produksiyon ng upcoming romance drama series na Love Before Sunrise.
Sumabak sila sa isang script reading session kung saan binasa nila sa unang pagkakataon ang ilang bahagi ng script.
Dumalo sa script reading ang mga bida ng seryeng sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at multi-awarded actress and box office icon Bea Alonzo.
Kasama rin nila si Andrea Torres at iba pa nilang co-stars na sina Vaness Del Moral, Sef Cadayona, Rodjun Cruz, Matet De Leon, Nadia Montenegro, Vince Maristela, Cheska Fausto at Ricky Davao.
Spotted rin dito sina Love Before Sunrise director Mark Sicat dela Cruz, GMA AVP for Drama Helen Rose Sese, Executive Producer Michele Borja, at GMA Creative Consultant Denoy Navarro-Punio.
Ginagawa ang script reading para mas maging pamilyar ang mga artista sa kanilang karakter. Pagkakataon rin ito para makapagtanong sila sa direktor at iba pang mga tao sa produkisyon tungkol sa pag-atake nila sa kanilang roles.
Mahalaga rin ito para sa mga tao sa likod ng camera tulad ng scriptwriters at producers para mas mapaganda pa ang kuwento ng isang serye.
Ang Love Before Sunrise ay mula sa GMA Entertainment Group at ito ang pangalawang serye na bunga ng historic collaboration ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.
SAMANTALA, SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG LOVE BEFORE SUNRISE DITO: