
Kilala sa kanilang all-out ang performances sina Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden at Kapuso OST Princess na si Hanna Precillas. Para mapanatili ang kanilang magandang boses, inilahad nina Garrett at Hannah na mayroon silang sinusunod na routines o exercises.
Sa interview nila sa GMA Regional TV Morning show na BizTalk, ikinwento ng dalawang Kapuso singers ang kani-kanilang morning routines.
Ayon kay Hanna, medyo weird ang morning routine niya dahil sa song choice na kinakanta niya after ng vocalization.
“Nag-i-start po ako mag-hum from the lowest note na ma-reach ko paggising pa lang para hindi ma-strain 'yung vocal chords ko, hindi magulat,” sabi niya.
Dagdag pa niya, “After nun, 'tsaka ako kakanta and may certain song akong kinakanta kaya sinasabi kong weird. Before ako mag-perform, 'O, Holy Night.'”
Ang 'O, Holy Night' ay isa sa mga pinakakilalang Christmas songs at dahil sa malawak na vocal range ng kanta, tinagurian ito bilang isa sa mga pinakamahirap kantahin.
Sa kabilang banda, iisipin naman ng mga taong hindi nakakakilala kay Garrett na hindi ito namamansin dahil sa routine nitong hindi pagsasalita for 30-40 minutes pagkagising.
“Ako naman, 'pag morning, siguro pagkagising, mga 30-40 minutes akong hindi magsasalita. Inom muna ako ng water (warm), coffee, tapos nagwa-warm-up ako, vocal warm-ups. Meron akong specific vocal warm-ups na sinusunod, 10 mins siya,” sabi nito.
Kinwento pa ng soul balladeer kung papaanong inakala ng mga kasama niya noon na may problema siya kaya't hindi siya nag-sasalita.
“'Pag may tinanong sila, puro tango lang muna bago ako mag salita,” sabi niya.
Paliwanag ni Garrett tungkol sa kanyang routine, “Ako naman, pag bigla akong nagising tapos bigla akong magsasalita, parang nag strain ako vocally, so nahihirapan ako for that day.”
Panoorin ang kabuuan ng panayam kina Garret at Hannah rito:
TINGNAN KUNG SINU-SINO PA ANG MGA KAPUSO SINGERS NA IPINAGMAMALAKI NG GMA: