
Isa na namang good news, mga Kapuso!
Nag-uwi ng parangal mula sa 2023 Lasallian Scholarum Awards ang Kapuso journalist at documentarist na si Atom Araullo at isang feature story ng Stand for Truth.
Ang tema ng 2023 Lasallian Scholarum Awards ay “Youth: Represent,” kung saan itinampok ang iba't ibang istorya na tumalakay sa mga isyu at paksa tungkol sa kabataan at edukasyon.
Nito lamang March 22, 2023, kinilala ng award-giving body si Atom bilang Outstanding Media Personality.
Ayon sa isang report, si Atom ang kauna-unahang nakatanggap ng ganitong award mula sa unibersidad.
Ang feature story naman ng Stand for Truth na pinamagatang “Runaway Child Brides: Ang Kuwento ng mga tumakas sa Buya” nina Lilian Tiburcio at Bryan Kristoffer Brazil ay naiuwi ang Outstanding Video Feature Story on Youth and Education Award.
Naganap ang awarding ceremony sa De La Salle University Manila Campus.
Samantala, noong January, humakot ng 28 na awards sa 2023 Platinum Stallion National Media Awards ang GMA Network.
Ilan sa pinarangalan dito ay ang GMA shows na 24 Oras, Abot-Kamay Na Pangarap, Maria Clara at Ibarra, at marami pang iba.
Congratulations, mga Kapuso!
SAMANTALA, SILIPIN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI ATOM ARAULLO SA GALLERY SA IBABA: