advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Ang mga babaeng na-link kay Cesar Montano

1 of 11

Marilyn Polinga 

Si Marilyn Polinga ang first wife ni Cesar Montano. Pumanaw siya noong 1993 dahil sa isang brain tumor pero nabiyayaan sila ni Cesar ng dalawang anak, sina Angela (first row, left) at Angelo (first row, middle).

2 of 11

Charlene Gonzales

Nabalita na nagkaroon ng relasyon si Cesar at ang beauty queen-turned-actress na si Charlene Gonzales nang magsama sila sa pelikulang Kadre noong 1997. Pinabulaanan naman ito ng dalawa.

3 of 11

Teresa Loyzaga

Naging magkasintahan din si Cesar at ang aktres na si Teresa Loyzaga. Mayroon silang isang anak, ang binatang aktor na si Diego Loyzaga.

advertisement
4 of 11

Sunshine Cruz

Natapos ang 13 years na pagsasama ng dating mag-asawang sina Sunshine Cruz at Cesar Montano nang hiwalayan ng una ang aktor noong 2013. Nitong September 2018, na-grant ang annulment ng kanilang kasal noong 2000. Nagkaroon sila ng tatlong anak na babae--sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francesca.

5 of 11

Krista Miller

Kasunod ng paghihiwalay nila ni Sunshine, nabalita na ang sexy actress na si Krista Miller ang umano'y third party sa relasyon nina Cesar at Sunshine.

6 of 11

Sandra Seifert

Naging usap-usapan din na may relasyon si Cesar kay Miss Philippines Earth 2009 Sandra Seifert dahil madalas silang makitang magkasama sa ilang events. Bukod dito, may bali-balita ring nagkaroon sila ng anak. Noong November 25, 2020, inilabas ni Sandra Seifert ang litrato ni Cesar na hinahalikan ang kanyang anak na si Coco.

advertisement
7 of 11

Katrina Angeles

Naging viral ang mga litrato ni Cesar sa binyag ng kanyang “youngest daughter” sa alleged current partner niyang si Katrina Angeles.

Noong October 2020, ibinunyag ni Cesar na si Katrina Angeles din ang mysterious woman sa isang viral birthday greeting video niya para kay Kagawad Chris Morales ng Sta. Ana, Manila. Ayon sa reports mayroong tatlong anak si Katrina at Cesar.

8 of 11

Sophie Rankin

Umugong din ang mga usapang may relasyon si Cesar at ang model na si Sophie Rankin dahil madalas silang makitang magkasama sa iba't ibang mga event. Bukod dito, may post din ang alleged partner ni Cesar na si Katrina na tila pasaring sa model.

9 of 11

Maria Ozawa 

Matapos magtambal sa 2015 film na Nilalang, inamin ni Japanese adult film actress Maria Ozawa na nagkaroon sila ni Cesar ng one-night stand. Agad din niya itong binawi nang kumalat ang balita. Nilinaw ni Maria na biro lang kanyang ang mga pahayag tungkol sa kanila ni Cesar.

advertisement
10 of 11

Bela Padilla

Na-link din si Bela Padilla kay Cesar Montano matapos mag-viral ang isang birthday greeting video ng aktor sa isang kagawad sa Sta. Ana. Maraming netizens ang nagsabi na maaring ang aktres ang nakunan sa video pero itinanggi kaagad ito ni Bela.

11 of 11

Mariana del Rio

Naging usap-usapan din na si Brazilan model Mariana del Rio ang babaeng diumano'y dahilan ng hiwalayan nina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Pero kaagad itong itinanggi ni Mariana at sinabing hindi siya ang naging rason sa hiwalayan ng mag-asawa.