Showbiz News

Chariz Solomon, umamin na 'natakot' gawin ang role sa 'Imbestigador'

By Aedrianne Acar

Tumagos sa puso ng Sparkle comedienne na si Chariz Solomon ang karakter na ginampanan niya sa award-winning GMA Public Affairs program na Imbestigador na ipapalabas sa darating na March 25.

Sa Instagram post ng StarStruck alumna, sinabi niya na may naging agam-agam siya pag-portray ng role bilang Nanay Chenie na ang anak nito ay walang awang pinatay.

Ibinahagi rin ni Chariz ang isang emotional scene na kinunan nila sa Imbestigador. Aniya, “Hindi talaga ako mapili sa roles, sa trabaho. Pero itong isang ito, although nagconfirm ako agad, natakot akong gawin.

“Kinausap ko pa yung panganay ko. He was also scared for me, sabi niya, 'Mom can you tell them to just give you a different work instead? Are you gonna be okay?'”

Pagpapatuloy niya, “Natakot ako, nalungkot, nagalit…Maraming nangyayari sa mundo, every minute. Pero Nakakapanghina na marealize na may mga ganitong klase ng sakit-hindi lang yung mawalan ka ng mahal sa buhay, pero yung kunin ang buhay nila ng mga taong kinain ng kamunduhan.”

Nagbigay rin ng mensahe si Chariz Solomon sa mga naiwang mahal sa buhay ng batang si Richien at hangad niya na mabigyan hustisya ang kaniyang pagkamatay.

“Nanay Chenie and family, nakikiramay kami sainyo,” aniya. “Our heart goes to you, and your whole family. No one deserves this.”

“I know Richien will find justice. Hindi lang dito sa Mundong ito, pero doon din sa kung saan siya totoong papunta. Rest in Peace in the loving arms of our Father, Richien.”

A post shared by Chariz Solomon (@chariz_solomon)

Heto ang pasilip sa kagimbal-gimbal na episode ng Imbestigador tungkol sa pagpatay sa pitong anyos na bata mula sa Zamboanga del Norte.

May tatlong anak na si Chariz Solomon, sina Apollo at Ali ay mga supling niya sa dating partner na si Nestor Ng.

At isinilang naman niya si Andreas Manolo noong 2020.

Kasalukuyan naman napapanood ang Kapuso mom sa Bubble Gang at Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

KILALANIN ANG MGA PAST BUBBLE GANG COMEDIENNES DITO: