Showbiz News

'Mas priority ko 'yung happiness ng anak ko ' - Camille Prats


Napapanood natin bilang Sophia ang Kapuso host/actress na si Camille Prats. Last February 19, 2014 sa set ng The Borrowed Wife, nakapanayam ng GMANetwork.com ang magaling na aktres. Bukod sa magandang career ay blooming din si Camille dahil sa kanyang love life ngayon. Naging classmate niya ito noong grade school at after mabiyuda ng aktres, muli silang pinagtagpo ng tadhana.

“I’m hoping and praying that he is the one. Nagmi-meet ‘yong plano namin sa isa’t isa. Nagmi-meet din ‘yong goals namin. So we’re both hoping,” pagbahagi niya sa estado ng relasyon nila.

Sabi niya, “Kung ano man ‘yung outcome ng relationship namin, pinagpi-pray lang talaga namin.”

What makes him special?

“’Yung sincerity and how genuine he was with me, not only with me, but also with my son. Kasi para sa akin ‘yun talaga ‘yung pinaka importante,” sabi niya.

First priority ni Camille ay ang kanyang anak na si Nathaniel, “mas priority ko ‘yung happiness ng anak ko especially in our situation na he lost his dad. In case I will be blessed with a furture family, gusto ko masayang-masaya ang anak ko sa future na ‘yun.”

Matibay at tumatagal ang bawat relationship na pasukin ni Camille kaya itinanong namin siya kung ano ang sikreto ng isang matatag na relasyon.

“As humans, we are bound to make mistakes. Pero sa akin, if you love someone, you’ll always have to be aware of the things that might hurt that person,” aniya.

Paliwanag niya, “Kung alam ko na itong gagawin ko ikakasakit ng partner ko, hindi na ako magdadalawang-isp, automatically, I will not do it. Pagdating sa relationship, in general with all people, don’t only think what would benefit yourself, always think what would be best for others.”

Sabi pa ng aktres na ganoon daw ang kanyang partner ngayon, iniisip muna ang kapakanan niya kaya naman ganoon din siya rito.

“I make sure na sa bawat galaw ko, hindi ko siya natatamaan o nasasaktan. Of course, may pagkakataon na masasaktan at masasaktan ko siya. But at least, ‘yung mga panahon na ‘yun hindi ko siyang sinasadyang gawin.”

Sa kwento ng The Borrowed Wife madalas nasasaktan ni Earl (TJ Trinidad) si Sophia, ang karakter na kanyang ginagampanan. Ano naman ang kanyang maipapayo kay Earl?

Para kay Camille,“If you hold a bird, ‘pag sinakal mo siya, mamamatay siya. It goes with people also, na parang malaking parte ng kanyang pagkatao ang nawawala if you try control that person. Just relax and take any day as it is.”

Naiintindihan din naman ni Camille kung saan nangagaling ang takot ni Earl na tuluyang mawala sa kanya ang pinakamamahal niyang si Sophia.

“Minsan kasi may ganyan akong sakit, ‘yung fear ko palagi na baka saktan mo ako o baka you might do something that may hurt me.”

Kaya ang dapat gawin nito ay, “Just pray and leave it all up to God. Kasi the more you think about it lalo siyang darating. Deal with it when it’s there pero hanggat wala, huwag kang matakot na may gawin siyang ikaka-disappoint mo.”

“Ganun din ‘yung dapat kay Earl, let Sophia be free and do her thing. Eventually, she’ll realize she loves you naman kung talagang ikaw ang tinitibok ng puso niya,” payo niya.

Panoorin si Camille Prats bilang Sophia sa The Borrowed Wife pagkatapos ng Innamorata only on GMA Afternoon Prime. Para sa updates ng paborito niyong artista at shows, mag-log on lagi sa www.gmanetwork.com. --Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.