Showbiz News

Love Revolution: Ang pagtulong ni Seifer kay Nick

By Dianne Mariano

Sa ikalawang linggo ng Love Revolution, pinakinggan ng team ni Nick (Esther Supreeleela) ang mga problemang kinakaharap ng mga residente sa isang barrio at tinulungan ang mga ito para sa kanilang proyekto.

Inanunsyo ni Nick sa isang meeting na siya na ang bagong mamamahala ng apartment project matapos malaman na hindi naging matagumpay ang pamamahala noon dahil maraming hindi nasunod sa kanilang kontrata.

Nang dahil dito, labis na nagalit ang tiyuhin ni Nick na si Rody. May masama namang pinaplano si Rody para kay Nick at sa pamilya nito dahil hindi siya ang na-appoint noon bilang susunod na CEO ng Bacayagam Group.

Naalala naman ni Seifer (Son Yuke Songpaisan) ang kanyang kababata at kapwa ulila na si Nica nang makita ang kanilang dating larawan sa photo album.

Nagtulungan naman ang team ni Nick at ang mga residente ng barrio para itayo ang isang public library sa village. Lingid sa kanilang kaalaman na mayroong masamang plano si Rody para sa proyekto ni Nick.

Sinunog ng dalawang unidentified na lalaki ang itinayong public library sa barrio at kaagad itong inayos nina Nick at ng mga residente.

Tinulungan naman ni Seifer si Nick matapos mapilay ang isang paa ng huli. Matapos ang hindi inaasahang pangyayari, tila hindi naman maalis ni Nick sa kanyang isip ang pagtulong ni Seifer sa kanya.

Malalaman kaya nina Nick kung sino ang salarin sa likod ng pagkasunog ng library? Subaybayan ang Love Revolution tuwing weekdays, 9:00 a.m., sa GMA.