Showbiz News

'The Voice Generations' audition, simula na ngayong April 2!

By Jimboy Napoles

Panahon na para marinig ang boses n'yo, mga Kapuso! Dahil ang pinakabagong spin-off ng pinakamalaking singing competition sa buong mundo ay nasa GMA na -- ito ang The Voice Generations.

Simula ngayong April 2, bubuksan na ng nasabing programa ang auditions para sa mga pamilya, magkakaibigan, at colleagues mula sa iba't ibang henerasyon na may talento sa pagkanta.

Narito ang mga kailangang gawin upang makasali:

1. Bumuo ng duo, o grupo na may tatlo o higit pang miyembro. Ang bawat miyembro ay dapat nasa edad 7 taong gulang pataas. Siguraduhin din na mayroong 10 years age gap o pataas ang at least dalawa sa miyembro ng grupo.

2. Ang bubuoin na grupo ay dapat may authentic o tunay na relasyon sa isa't isa. Halimbawa: ama-anak, guro-estudyante, o barkada mula sa iba't ibang henerasyon.

3. Maghanda ng inyong group photo, at 2 singing performance video na hindi lalampas sa 1 minuto at 30 segundo. Ang bawat video ay hindi dapat lumagpas sa 10mb.

4. Magtungo sa www.gmanetwork.com/TheVoiceGenerationsAuditions at sagutan ang application form, at i-upload din dito ang inyong inihandang audition videos.

5. Ang inyong audition videos ay sasalang sa first round of reviews ng casting panel ng The Voice Generations.

6. Ang mapipiling duo o grupo ay makatatanggap ng mensahe via e-mail upang sumalang sa isang face-to-face auditions sa GMA kung kaya't mahalagang siguraduhin na tama ang e-mail na ilalagay sa inyong application form.

7. Asahan na ang lahat ng inyong mga personal na impormasyon ay mananatiling confidential at hindi gagamitin sa ano mang ibang bagay o gawain.

Ang The Voice Generations ay ang pinakabagong tema ng The Voice singing competitionat first time nitong dadating sa Asya at sa Pilipinas!

Huwag palagpasin ang pagkakataon na maiparinig at maipakita sa buong mundo ang inyong natatanging galing sa pag-awit, mga Kapuso! Sali na!

Para sa iba pang updates, bisitahin ang GMANetwork.com.