Showbiz News

Michael V., mapapanood sa isang Marvel movie?

By Aedrianne Acar

Nasubok ang pasensya ng komedyanteng si Michael V. dahil naghintay siya ng isang taon bago ipaalam ang balitang natanggap niya mula sa Marvel, ang siyang may likha ng Marvel Cinematic Universe.

Sa isang post sa Instagram, aminado si Bitoy na pinangarap niya rin maging parte ng sikat na Hollywood film franchise.

"Sino ba naman ang hindi nangangarap na makasama sa mga ganitong project? Lahat ng celebrities, local or foreign, gustong maging part ng ganito kalaking franchise!" masayang sulat ni Bitoy sa caption niya sa Instagram.

"Sadly, for most of us (myself included), pangarap pa rin s'ya hanggang ngayon."

Pagbibiro ni Michael V., marami kasi ang hindi nagbabasa ng caption at naniniwala na lang sa kung ano ang nakasaad sa larawan. Sa post ni Michael, makikita ang headline na "Michael V lands a role in the MCU" kalakip ang larawan niyang nakangiti.

"Same date nu'ng April last year may post ako na related dito pero maraming hindi naka-gets and I'm sure may ibang hindi pa rin maiintindihan until they read this part," pagpapatuloy ni Bitoy.

"I really believe that social media is a tool not just to promote good things but to do social experiment as well so if you made it this far, CONGRATULATIONS!"

Marami naman ang nagbasa nang buong caption kaya alam ng nakakita nito na hindi totoo ang balitang magiging parte ng MCU si Bitoy.

Sa katunayan, sinakyan ng netizens ang nakatutuwang post ni Bitoy. Ang isa ay sinabing lalapit sa kaniya ang Avengers kapag naubusan na sila ng pera.

Aniya, "Avengers when running out of funds: PEPITO MY FRIEND!"

Ang iba naman ay naniniwala na hindi imposible na maging parte si Bitoy ng MCU, ngayong nakagawa na siya ng pangalan dito sa Pilipinas.

Komento ng isa, "I knew it! Pero malay mo! Dreams do come true rooting for you!"

Sa tinagaltagal ni Bitoy sa industriya ay nakagawa na siya ng maraming karakter na talagang tumatak sa mga tao.

BALIKAN ANG ILANG ICONIC CHARACTERS NI BITOY SA MGA LARAWANG ITO: