
Si Niel Briones ang itinanghal na grand champion ng Tanghalan ng Kampeon season 4 sa TiktoClock.
Ngayong June 12, opisyal na nasungkit ni Niel ang titulo matapos ang ilang buwang matinding kompetisyon sa singing contest na napapanood sa TiktoClock.
Nakalaban ni Niel sa grand finals ng Tanghalan ng Kampeon season 4 sina Ace Espinosa ng Balanga, Bataan; Eula Bautista ng Atimonan, Quezon; Anna Marie Ricafrente ng Meycauayan, Bulacan; at Chelsea Balignot ng Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Bukod sa kaniyang husay sa pag-awit, nakilala rin si Niel bilang kinatawan ng Armed Forces of the Philippines sa kompetisyon.
Bilang grand champion, nakatanggap si Niel ng P500,000 cash prize at hotel accommodation sa Batangas.
Congratulations, Niel!
Samantala, balikan ang mga grand finalists ng Tanghalan ng Kampeon season 4: