GMA Logo Nikki Co
Source: nikkico_ (Instagram)
What's on TV

Nikki Co, game sa serial killer at action hero role

By Jimboy Napoles
Published January 13, 2022 7:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Nikki Co


Kung papalarin, handa raw sumabak bilang isang serial killer o action hero ang 'Mano Po Legacy: The Family Fortune' star na si Nikki Co.

Kasalukuyang gumaganap na kontrabida ang Kapuso hunk actor na si Nikki Co bilang si Jameson Chan sa GMA Primetime series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Ito raw ang first lead role ni Nikki matapos ang ilang guesting sa ilang Kapuso shows at mapabilang sa cast ng katatapos lang na afternoon drama series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Nikki, ibinahagi nito ang ilan sa mga role na gusto niya pang gampanan.

Ayon sa kaniya, bilang kasalukuyang kontrabida, gusto na raw niya itong ituloy sa pagiging isang serial killer o action hero sa isang TV o film project.

Aniya, "So dahil nandito na tayo sa pagiging kontrabida, gusto ko pong ma-try next time yung pagiging serial killer or pwede rin naman po as bida sa action with drama or action with comedy."

Para kay Nikki, tingin niya ay mas magiging malalim ang kaniyang karakter bilang isang serial killer.

Kuwento niya, "Recently nilu-look forward ko yung pagiging serial killer so parang magiging malalim yung mga ganung character so magiging mas challenging siya compared doon sa mga nagawa ko na."

Sa parehong panayam, sinabi rin ng aktor na proud siya na mapabilang sa pool of artists ng talent management arm ng GMA Network na Sparkle.

Samantala, subaybayan pa ang karakter ni Nikki bilang si Jameson sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.