GMA Logo nikki co and bianca umali
Source: nikkico_ and bianxa (Instagram)
What's Hot

Nikki Co, nais muling makatrabaho si Bianca Umali

By Jimboy Napoles
Published January 17, 2022 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News

nikki co and bianca umali


Kung bibigyan ng pagkakataon, nais daw na muling makatrabaho ni Mano Po Legacy: The Family Fortune' actor na si Nikki Co si Bianca Umali.

Gumaganap na kontrabida ang Kapuso hunk actor na si Nikki Co bilang si Jameson Chan sa GMA Primetime series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Sa pagpapatuloy ng serye, maraming manonood ang humanga sa husay sa pagganap ni Nikki kasama ang mga batikang aktres gaya nina Boots Anson-Roa, Sunshine Cruz, at Maricel Laxa-Pangilinan.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa aktor, ibinahagi ni Nikki ang mga role na gusto pa niyang gampanan at ang mga Kapuso actress na nais niyang makatrabaho.

Ayon sa aktor, pangarap niyang gumanap bilang isang serial killer o isang action hero. Pagdating naman sa usapin ng leading lady, game na sinabi ni Nikki ang kaniyang napupusuang makatrabaho.

Aniya, "Marami kasing magagaling na actress sa GMA, e, ang na-experience ko pa lang po kasi na makatrabaho na parang partner ko sa eksena na babae was Kate Valdez, Bianca Umali at si Mika Dela Cruz."

Sa mga pangalang kanyang binanggit, isang pangalan ang nanaig para sa aktor at ito ay ang aktres na si Bianca.

Pag-amin ni Nikki, "Feeling ko gusto kong ma-explore yung with Bianca kasi naniniwala akong isa siyang magaling na aktres, at na-try ko yung medyo intense scenes with her sa Magpakailanman so gusto ko pang ma-explore kung ano pa yung kaya naming gawin."

Isa ang aktres na si Bianca sa napiling mapabilang sa eight brightest stars for 2022 ng talent management arm ng GMA Network na Sparkle.

Sa parehong panayam, ibinahagi rin ni Nikki na masaya siya na mapabilang sa pool of talents ng Sparkle.

Aniya, "Masaya ako kasi after six years ay nandito pa rin ako and I'm proud kasi simula pa lang shino-showcase na nila kung ano yung nagawa 'nung artist na ito at ano pa ang kayang ibigay ng artist na ito in the future so yeah I'm very thankful."

Subaybayan ang karakter ni Nikki bilang si Jameson sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.

Samantala, mas kilalanin pa si Nikki sa gallery na ito: