GMA Logo Nikki Co
What's Hot

Nikki Co, proud na mapabilang sa pool of artists ng Sparkle

By Jimboy Napoles
Published January 13, 2022 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Nikki Co


Nikki Co, proud na mapabilang sa pool of artists ng Sparkle

Itinuturing na isa sa mga up-and-coming artists ng Sparkle ang Mano Po Legacy: The Family Fortune star na si Nikki Co.

Kasalukuyang gumaganap si Nikki bilang isa sa mga kontrabida sa serye na si Jameson Chan, ang spoiled at rebellious son ng mayamang businessman na si Edison Chan kay Valerie Lim (Maricel Laxa-Pangilinan).

Una nang sinabi ng newbie actor na proud at excited siya sa role na ito kaya nagpapasalamat siya sa GMA na ipinagkatiwala sa kaniya ang pagiging bahagi ng malaking primetime series.

Aminado rin si Nikki na na-challenge siya sa ilang eksena habang nagte-taping para sa serye pero napagtagumpayan niya naman ito sa tulong ng kanilang direktor at co-stars.

Sa isang panayam ng GMANetwork.com, sinabi rin ng aktor na proud siya na mapabilang sa pool of artists ng talent management arm ng GMA Network na Sparkle.

Aniya, "Masaya ako kasi after six years ay nandito pa rin ako and I'm proud kasi simula pa lang shino-showcase na nila kung ano yung nagawa 'nung artist na ito at ano pa ang kayang ibigay ng artist na ito in the future so yeah I'm very thankful."

Subaybayan ang karakter ni Nikki bilang si Jameson sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.

Samantala, mas kilalanin pa si Nikki sa gallery na ito: