
Ngayong Oktubre, mga kuwentong puno ng aral para sa buong pamilya ang tampok sa Pasabog October ng bagong Wish Ko Lang. At ang unang episode ngayon buwan ay ang Nilapa ng Buwaya episode na isasadula nina Angelika dela Cruz, Barbara Miguel, Miggs Cuaderno, Neil Ryan Sese, at Angela Alarcon.
Angelika dela Cruz, Angela Alarcon, Miggs Cuaderno, at Barbara Miguel
Ang Nilapa ng Buwaya episode ay tungkol sa magkapatid na Lucas (Miggs Cuaderno) at Jaja (Barbara Miguel) na inatake ng buwaya habang sila'y nasa ilog.
Inutusan kasi ang magkapatid ng mangingisda nilang ama na si Roger (Neil Ryan Sese) na bumili ng asukal at kape.
Dahil walang tindahan sa kanilang lugar, kailangan pa nilang gumamit ng bangka para makarating sa kabilang bayan.
Nang sila'y makarating sa pampang ng ilog at pauwi na sana, doon sila inatake ng buwaya at sa kasamaang-palad, isa sa kanila ang nasawi.
Ang Kapuso star na si Angelika dela Cruz ang gaganap bilang Marta, ang ina ng magkapatid. Samantalang si Angela Alarcon naman ang gaganap bilang Hilda, ang kanilang kapitbahay na nabiktima rin ng buwaya ang alagang kambing.
Tulad ng nangyari sa Nilapa ng Buwaya, may kani-kaniya ring traumatic life experiences na naranasan sina Angelika dela Cruz, Barbara Miguel, Miggs Cuaderno, at Angela Alarcon.
Para kay Angelika, ang pinaka-traumatic experience niya ay ang mawala ang kaniyang kapatid at ama.
“My brother died in a hit and run accident and my dad recently died due to COVID-19. I'm still in the process of acceptance.”
Dahil daw rito lalo niyang binigyan ng importansya ang pagmamahal sa sarili at sa kanyang pamilya.
“We must take better care of ourselves and our loved ones.”
Samantala, para kay Angela Alarcon, naka-relate siya sa karakter niyang si Hilda dahil naransan na rin daw niyang mawalan ng importanteng tao sa kanyang buhay.
“Naramdaman ko na rin kung ano feeling ng mawalan ng mga importanteng tao at mahal ko sa buhay, kung paano maging matatag sa kalagitnaan ng sakit.
“Nalampasan ko yun sa pamamagitan ng pagkapit sa aking pananampalataya. Lagi ko rin iniisip na mayroon lang tayong isang buhay at dapat huwag nating hayaan na ang ating nakaraan ang magdikta ng ating kasalukuyan.
“We learn from the things that hurt us, and we continue to grow from it.”
Para naman kay Barbara Miguel, ang pagkamatay ng kanyang lolo ang pinaka-traumatic experience niya at ng kanilang pamilya, lalo ng kanyang ina.
“Yun kasi ang time na ang daming nagbago sa family namin. Si Mama ko daming breakdowns at naramdaman namin yung anxieties niya.
“Bilang panganay at close naman kaming family, sinamahan namin si Mama sa dalamhati niya. Apektado din kami lahat.
“Ngayon may mga struggles pa rin emotionally dahil sa family problems, pero dahil nga intact kami ng mga kapatid ko, pati ni Mama at Papa, nalalagpasan namin unti-unti, sa awa at tulong din po ng Maykapal.”
At para naman sa young actor na si Miggs Cuaderno, ang most traumatic experience niya ay nang minsan siyang ma-injure habang nasa shooting.
“Nasaktan po talaga ako physically sa shoot at nagkabukol pa po talaga ako.
“Nalampasan ko po siya kasi inisip ko na hindi naman po sinasadya 'yon, at nangyayari po talaga yung disgrasya. Mga 9 years old lang po kasi ako noong nangyari 'yon eh.”
Tiyak makaka-relate din at makakapulot ng aral ang bawat miyembro ng pamilya sa Nilapa ng Buwaya episode ng bagong Wish Ko Lang.
Kaya huwag palampasin ang unang Pasabog October episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-kwatro ng hapon sa GMA-7.
RELATED:
Manood ng 'Wish Ko Lang' at manalo ng gadgets at GMA Affrodabox!
Spread good vibes and hope this pandemic with 'Wish Ko Lang' Viber stickers