
Matapos ang ilang buwang pagpapahinga, tila handa nang bumalik sa harap ng camera si Sandro Muhlach, ayon sa kanyang ama na si Niño Muhlach.
Ito ay matapos magsampa ni Sandro ng kasong sexual harassment sa dalawang independent contractors ng GMA Network.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, December 3, binalikan nina King of Talk Boy Abunda at Niño ang naturang kontrobersiya na kinakaharap ngayon ni Sandro. Dito ay kinamusta ng batikang host ang pagbabago sa relasyon ng mag-ama, “Did you become closer?”
“Of course, of course. Dahil I wanted him to get over it as soon as possible. So up 'til now he's still going to therapy pero mabuti nga ngayon nakakalabas na siya, nakakanood ng sine, concert, dahil din sa suporta ng girlfriend niya, si Shanelle (Agustin),” sabi ni Niño.
Kuwento pa ng aktor, sa ngayon ay ayaw na munang nababalikan ni Sandro ang mga pangyayari kahit pa napag-uusapan lang nila kaharap ng kanilang mga abugado, at sinabing hanggang ngayon ay apektado pa rin ang young artist.
MAS KILALANIN PA SI SANDRO MUHLACH SA GALLERY NA ITO:
Nang tanungin naman siya ni Boy kung gusto pa bang bumalik ni Sandro sa pag-aartista, ang sagot ni Niño, “Opo, gusto po niya, opo.”
Dagdag pa ng batikang aktor ay naka-break si Sandro at walang ginagawang kahit anong proyekto sa ngayon.
“But eventually, he wants to. Alam ko nagsabi siya sa akin na 'Papa, parang gusto ko nang bumalik ulit.' Kasi ang tagal na niyang nakatengga,” pagbabahagi ni Niño.
Wala umanong Christmas prayer si Niño tungkol sa kasong kinakaharap ng anak dahil tiwala naman siya sa jsutice system ng bansa.
“Tito Boy, I believe in the justice system of the Philippines and tiwalang tiwala talaga ako sa kaso na matibay kaya okay na 'ko, I know that things will fall into place,” sabi ng batikang aktor.