
Hanga ang batikang singer-songwriter na si Noel Cabangon sa pagiging experimental ng mainstream artists pagdating sa kanilang craft.
Marami na kasing mga artista ngayon na sumikat sa telebisyon ang sinusubukan na ang pagte-teatro. Isa na rito ay si Kapuso actor/singer na si Derrick Monasterio.
Sa isang panayam ng GMANetwork.com, ikinatuwa ni Noel ang pagsali ng 23-year-old hunk sa acclaimed musical na Rak of Aegis kung saan din siya napabilang for the first time.
EXCLUSIVE: Noel Cabangon on joining 'Rak of Aegis:' "Hindi nila ako makikitang kalmado"
Bilang dati nang nagte-teatro, naniniwala ang OPM singer na magandang opportunity ito para kay Derrick para lalong mahasa ang kanyang talento.
"Si Derrick, ma-cha-challenge s'ya rito," saad ni Noel.
"He has to take on the challenge kasi lalo na 'yung alternates niya, siyempre, may mga kanya-kanya silang portrayal, iba-ibang character.
"Pero meron naman na siyang advantage kasi guwapo siya, 'tsaka hunk.
"Wala naman siyang problema sa singing, I think, 'cause he can really sing," paglilinaw niya.
"So, katulad din namin, maraming matutunan si Derrick sa theater."
IN PHOTOS: Pinoy celebrities who succeeded in showbiz-theater crossovers