GMA Logo Nonoy Zuniga, Vilma Santos
What's on TV

Nonoy Zuñiga shares how Vilma Santos taught him the art of the cinematic kiss

By Jimboy Napoles
Published August 14, 2024 8:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 minors stranded while hiking in Bontoc rescued —PNP
Elderly woman loses more than P50K in e-wallet modus
Indonesian rising star Arash Buana to play first-ever international shows in Manila

Article Inside Page


Showbiz News

Nonoy Zuniga, Vilma Santos


Nagtambal sina Nonoy Zuñiga at Vilma Santos sa 1983 film na 'Never Ever Say Goodbye.'

Binalikan ng batikang OPM singer na si Nonoy Zuñiga ang naging unang pagsalang niya sa pag-arte noon kung saan nakatambal niya ang Star for all Seasons na si Vima Santos.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Nonoy na si Vilma ang nagturo sa kaniya kung paano gawin ang “cinematic kiss.”

Ayon kay Nonoy, naging leading man siya ni Vilma sa pelikulang Never Ever Say Goodbye noong 1983. Ito rin ang kauna-unahan niyang pagsabak sa pag-arte kung kaya't wala pa siyang alam noon sa acting genre.

Aniya, “It was a wonderful experience with Vilma. Siya actually ang nagturo sa akin how to act and also the cinematic kiss.”

Kuwento pa niya, “That was my first movie actually at wala akong alam and then they just said 'Noy, kiss Vilma.' So, hindi ko alam paano i-kiss kasi nahihiya ako kay Vilma. Tapos they laughed at me. So si Vilma naman, tinuruan ako ng cinematic kiss.”

Samantala, napapanood ngayon si Nonoy bilang hurado sa segment na “Tawag Ng Tanghalan” sa It's Showtime sa GMA.

Tumutok naman sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Nonoy Zuñiga, binalikan ang career bilang OPM icon