GMA Logo Nora Aunor
Photo source: janinegutierrez (IG)
What's Hot

Nora Aunor, bibigyang-pugay sa isang biopic nina Joel Lamangan at Ricky Lee

By Karen Juliane Crucillo
Published April 20, 2025 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Nora Aunor


May planong isapelikula nina Joel Lamangan at Ricky Lee ang buhay ng yumaong Superstar na si Nora Aunor.

Pagkatapos yumao ni Superstar Nora Aunor, nakiramay ang direktor na si Joel Lamangan at binigyang-pugay ang batikang aktres sa isang mahabang mensahe.


Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Joel na mayroon siyang plano kasama ang writer na si Ricky Lee na gumawa ng biopic ni Nora.

Inalala rin ni Joel ang mga pelikulang nagawa niya kasama ang National Artist tulad ng Muling Umawit ang Puso, Flor Contemplacion, Bakit may Kahapon Pa, Sidhi, Hustisya, at Isa Pang Bahaghari.

"Sa lahat ng pelikulang nabanggit ay tumampok ang kanyang kahusayan sa paganap sa bawat karakter na hinihingi ng pelikula. Katunayan ang mga “best actress” awards na natanggap niya sa halos lahat ng films na ginawa namin. Local and international awards! Sa pagbuo ng anim na films ay nabuo ang aming propesyonal na relasyon bilang aktres at direktor," ikinuwento ng direktor.

Sa gitna ng pagbuo ng kanilang mga pelikula, sabi ni Joel na "nabuo ang prinsipyong dapat ang katotohanang hinihingi ng pelikula ang maibigay namin sa manonood."

Ipinagmalaki niya na ang kahusayan ni Nora ay galing sa kaniyang mga karanasan sa buhay simula sa kaniyang kabataan at hindi mula sa mga acting workshops.

Ikinuwento ni Joel tuwing sa kanilang paghahanda sa mga pelikula, "Malimit malalim ang pag-uusap, may pagtatalo, may kaunting taasan ng boses at sa huli sasabihin niyang ikaw na ang bahala direk, naniniwala naman ako sa iyo. Ganoon ang respeto ni Ate Guy! Mabait si Ate Guy sa lahat ng katrabaho niya."

"Ganyan si Ate Guy and Dakilang Pambansang Alagad ng Sining na namaalam na sa atin. Malaki ang natutunan ko kay ate Guy na humubog sa aking paniniwala na hindi dapat pagtakpan ang katotohanan, hindi dapat burahin ang nakaraan at ibahin ang kasaysayan," dagdag nito.

Samantala, nakatrabaho naman ni Ricky si Nora sa isa niyang sikat na pelikula na Himala.

Pumanaw si Nora nitong Miyerkules, April 16, dahil sa acute respiratory failure.

Nagkaroon din ng public viewing nitong Sabado, April 19, para sa mga Noranians. Magpapatuloy ito hanggang Linggo, April 20, at nakatakdang ilibing ang aktres sa Martes, April 22.

RELATED CONTENT: Tingnan dito ang iba pang mga celebrities at personalities na inalala si Superstar Nora Aunor: