What's Hot

Nora Aunor, humanga sa husay ni Barbie Forteza sa pelikulang 'Tuos'

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 3:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EU drops 2035 combustion engine ban as global EV shift faces reset
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang sinabi ng Superstar tungkol sa kanyang "anak."
 


 

 

Umani ng papuri si Barbie Forteza mula kay Nora Aunor para sa kanilang unang pagsasama sa isang pelikulang Tuos.

WATCH: Nora Aunor and Barbie Forteza's teaser for new indie film, "Tuos"

Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, ang 'Tuos' ay inspired umano sa documentary ni Kara David na Ang Huling Prinsesa na tungkol sa mga binukot ng Visayas. Si Nora ang gaganap na binukot at si Barbie naman ang gaganap bilang apo ni Nora at susunod na magiging binukot.

Ibinahagi ni Nora ang kanyang paghanga kay Barbie sa kanilang unang pagsasama para sa proyektong ito.

Aniya, "Naku napakagaling ni Barbie dito. 'Yung anak kong 'yan, at wala kaming ginawa kung hindi maghalakhakan sa shooting."

"Napakagaling na bata," paglalahad ng Superstar.

Proud naman si Barbie sa kanilang proyekto at bukod rito nakatrabaho niya pa ang kanyang iniidolo na si Nora.

"Isa to sa masasabi ko na one for the books na pelikula kasi I got to work with my idol. And it was an edgy project," saad ni Barbie.

MORE ON NORA AUNOR AND BARBIE FORTEZA:

LOOK: Barbie Forteza and Nora Aunor, present at Gala Night for their film, 'Tuos'

Which films in Cinemalaya include Kapuso stars?