
Itinuturing si Nova Villa bilang isa sa pinakamahusay na aktres na talagang nagmarka ang talent bilang comedienne.
At sa pagsalang niya sa session ng Your Honor, inalala ng 80-year-old actress ang moment na bumago sa kaniyang buhay ng madiscover siya ng showbiz legend at King of Philippine cinema na si Fernando Poe Jr.
Nangyari ang pagkikita raw nila ni FPJ nang sumama siya kay Chichay pagpunta nito sa Premiere Productions sa Caloocan City.
“Nakita ako ni FPJ (Fernando Poe Jr.) sa canteen ng Premiere Productions,” kuwento ni Nova.
“Premiere Productions is owned by sila Randy Santiago, 'yung mga tatay sila Rowel ganiyan. Magkakapatid they own the Premiere Productions. So, nandiyan 'yung magagandang artista nung araw sila Edna Luna 'yung mga ganun.”
RELATED CONTENT:Podcast duos dominating online conversation right now
Pagbabalik-tanaw ni Tita Nova na nasa edad 15 pa lamang siya noong pumunta siya sa Premiere Productions. Habang nag-iintay siya kay Chichay sa canteen area, tuwang-tuwa siya sa tuwing may makikita siyang artista na dumadaan. “Nakaupo ako ganiyan. Dito [motions with her hands] sa left side pintuan ng canteen, may gate na mahaba diyan, malaki.
“Kaya 'pag bumubukas yung pinto. 'Yung gate may pumapasok, gumaganyan ako [para makakita ako ng artista.”
Napansin niya raw na may biglang pumasok na Cadillac sa compound ng Premiere Productions
“May puting auto na Cadillac. Ganda, 1968 model ang haba. Tapos sabi ko, 'sino kaya 'yun,'” kuwento niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar. Nakakatitigan daw ni Nova Villa ang driver at ito ay walang iba kung hindi si FPJ.
“Nung titigan ko, si Fernando Poe Jr.! Nakatitig sa akin, ako 'yung napahiya, kasi nakaganun… Pero ako nung titigan ko hala ang guwapo, ay si FPJ! Ay ako 'yung napahiya,” saad pa niya.
Pagkabalik daw ni Chichay, kasama na nito si Ben Esteva, ang tumatayong production manager ni FPJ.
Nag-offer daw sa kaniya na maging artista sa isang cowboy project. At dito mas lalo siyang na-shock kung ano ang magiging role niya sa proyekto kasama ng Da King.
Paggunita ng veteran comedienne, “Kapatid mo si Jay Ilagan. Magkakagusto sa'yo si FPJ.” Dito na nabigla si Miss Nova sa narinig niya mula kay Ben Esteva.
RELATED GALLERY: Nova Villa's colorful career in comedy and drama
Uli-ulitin ang session with our favorite Mimi Kho below.