
Maraming fans ng content creator at professional nurse na si John Steven Soriano o mas kilala bilang Nurse Even na nakasama niyag muli ang dati niyang naka-collab noon na si Doc Adrian Insigne.
Matatandaan na ilang beses na rin na-feature sa vlog at content ni Nurse Even si Doc Adrian at noong huli siyang bumisita sa Pilipinas noong 2022 ay nagkita pa sila nang personal.
Sa Facebook post ni John Steven kahapon, November 10, humirit ito na, “From ring bearer to dog lover. 🐕 🐶 #MovingOn.”
Nauna nang naikuwento ni Nurse Even sa isang vlog na kaya siya umuwi rito sa bansa ay bukod sa gusto niyang makasama ang kaniyang pamilya, naimbitahan siyang dumalo sa kasal ng kapwa content creator sa medical field na si Doc Alvin Francisco.
Noong Biyernes, November 8, idinaos ang church wedding nina Doc Alvin at fiancée niya na si Maki Bondoc sa Shrine of St. Thérèse of the Child Jesus sa Pasay City.
RELATED CONTENT: DOC ALVIN'S WEDDING