GMA Logo odette khan
What's Hot

Odette Khan, naging emosyunal sa presscon ng 'Bar Boys After School'

By Nherz Almo
Published December 4, 2025 4:26 PM PHT
Updated December 5, 2025 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NU stuns UST, draw first blood in women's basketball finals
Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt

Article Inside Page


Showbiz News

odette khan


Odette Khan, sa pelikulang 'Bar Boys After School': “Matapang ako, pero pagdating dito, ang puso ko ay mahina.”

Isang mainit na pagpupugay ang binigay ng cast at director sa beteranang aktres na si Odette Khan bago magsimula ang press conference ng Bar Boys After School kahapon, December 3.

Matapos umakyat sa entablado, isa-isang lumapit at nag-alay ng pulang rosas ang mga aktor ng pelikula, sa panguguna ng mga aktor mula sa orihinal na Bar Boys movie noong 2017 na sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Kean Cipriano, at Enzo Pineda.

Sinundan naman sila nina Therese Malvar, Sassa Gurl, Emilio Daez, Benedix Ramos, Will Ashley, at Bryce Eusebio. Bilang panghuli, isang bouquet naman ang inihandog ng direktor ng pelikula na si Kip Oebanda.

Sa kanyang maiksing speech, sinabi ni Odette, “Hindi ako mag-iiyak-iyak dapat, e. Hindi. Alam mo 'yan, Direk.”

Sa kanyang pagpapatuloy, dama ang pagmamahal at dedikasyon na ibinuhos ni Odette para sa Bar Boys After School, na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival ngayon taon.

Ani Odette, “Kung alam n'yo ang pinagdaanan naming lahat para mapaganda ang trabahong ito… Trabaho para sa akin ito. Maraming matutuhan sa pelikulang ito, malalaman ninyo kung bakit mapula ang mata ko. Matapang ako, pero pagdating dito, ang puso ko ay mahina.”

Sa mismong presscon, inalala niya rin kung sino ang naging inspirasyon niya sa pagbuo ng kanyang karakter, ang yumaong senador na si Miriam Defensor-Santiago.

“Matindi ang Bar Boys sa akin… I watched her, how she talked, Diyos ko, natatakot ako. I have relatives na fiscal, lawyers, iba pala kapag ibang tao. Sabi ko, 'Ano, direk, Miriam Defensor?' First day namin, lumalakad ako, nanginginig ang mga binti ko. Hindi ko alam kung darating ako sa pupuntahan ko, sa totoo lang. Matapang akong babae, pero iba si Miriam. E, kung magka-leche-leche ako at makulong? Kaya ba ako ni direk?

“Otherwise, you did a very, very good job, direk. I know that in my hear and I thank you for that up to now.”

Director Kip Oebanda (kaliwa) kasama ang beteranang aktres na si Odette Khan (center) at aktor na si Carlo Aquino (right) sa set ng 'Bar Boys After Life.' Courtesy: 901 Studios PH

Pinasalamatan din ni Direk ang beteranang aktres dahil, aniya, “Thank you to Mommy O, hindi naman lingid sa kaalaman natin that, you know, you've grown with age, physical challenges of the shoot. Pero I'd like to say na, I think, the Justice Hernandez role will be one of your legacy characters.”

Ito ang ikalawang pagkakataong gaganap si Odette bilang Justice Hernandez, na ginampanan na niya sa naunang Bar Boys film noong 2017.

Samantala, narito ang ilang Kapuso actors na bahagi ng MMFF 2025: