
Usap-usapan ngayon sa social media ang official trailer ng Love You So Bad na kabilang sa lineup ng entries sa Metro Manila Film Festival o MMFF 2025.
Bida sa romcom movie ang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca De Vera.
Labis na kinakiligan sa trailer ang pasilip sa mga eksena nina Will, Bianca, at Dustin na makikilala rito bilang sina Vic, Savannah, at LA.
RELATED CONTENT: Will Ashley, Bianca De Vera, and Dustin Yu hold their first Paiko-ikot Tour for 'Love You So Bad'
Nasaksihan ang ilang parte ng istorya tulad ng sitwasyon ni Savannah (Bianca De Vera) na tila nahihirapan kung sino ba kina Vic (Will Ashley) at LA (Dustin Yu) ang kanyang pipiliin.
May pahapyaw din sa mga eksena ng iba pang kabilang sa cast nito gaya nina Xyriel Manabat, Ralph De Leon, Vince Maristela, at iba pa.
Narito ang kopya ng official trailer ng Love You So Bad:
Ang direktor ng pelikula na collaboration ng GMA, ABS-CBN, Star Cinema, at Regal Entertainment ay si Direk Mae Cruz Alviar at ang writer naman nito ay si Crystal San Miguel.
Huwag palampasin ang love story ng Team SaVic at LaVan sa Love You So Bad, mapapanood na sa December 25 sa cinemas nationwide.