GMA Logo Celvin Undag Kakanin
What's Hot

OFW sa Saudi Arabia, dumoble ang income dahil sa pagbebenta ng homemade cakes at kakanin

By Jimboy Napoles
Published September 24, 2021 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Celvin Undag Kakanin


Ang ating mga paboritong Pinoy kakanin, natitikman na rin ngayon sa Riyadh, Saudi Arabia dahil sa patok na negosyo ng OFW na si Celvin Undag. Alamin ang kaniyang kwento dito:

Tubong Aloran, Misamis Occidental si Celvin Undag. Bata pa lang daw ay pangarap niya na ang makapagtrabaho abroad para makatulong sa kaniyang pamilya.

Kaya naman matapos siyang mag-trabaho bilang visual merchandiser dito sa Pilipinas, sinubukan niyang mag-apply sa isang recruitment agency para makaalis ng bansa.

Taong 2015 ay natanggap siya bilang isang visual merchandiser din sa Riyadh, Saudi Arabia pero tatlong buwan lang ang itinagal ni Celvin dito dahil hindi pa rin sapat ang kaniyang kinikita.

Mula sa pagiging visual merchandiser, pinasok niya naman ang pagiging massage therapist. Dito niya ginamit ang kaniyang mga natutunan sa caregiving vocational course na kaniyang pinag-aralan noong nasa Pilipinas pa lang siya.

Source: Celvin Undag (Facebook)

Pero hindi pa rin tumigil si Celvin na maghanap ng iba pang pagkakakitaan. Dito niya na naisipan na mag-bake, dahil bata pa lang siya ay gustung-gusto niya na ang baking. Inaral niya ito sa pamamagitan lang ng internet.

Source: Celvin Undag (Facebook)

“Habang nagwowork ako bilang visual merchandiser, doon na rin po ako nag-start mag-bake ng cakes.

Source: Celvin Undag (Facebook)

Hindi pa ako masyadong kilala dito sa Riyadh so unti-unti dahil sa work ko, may mga friends ako , so unti-unti silang nag-oorder sakin.” Kwento ni Celvin sa Stories of Hope.

Bukod pa rito, ang pinaka nagbigay din daw ng swerte kay Celvin ay nang pasukin niya ang paggawa ng kakanin.

Source: Celvin Undag (Facebook)

“So lahat po ng mga ibinebenta ko, sa menu po namin meron din po siya sa mga Filipino stores, so lahat nandun. Sa akin po as baker, na nagbebeyk ng mga kakanin nagpa-follow lang din po ako sa mga feedback nila. Yun sabi nila, masarap din daw talaga yung gawa ko, kaya yun talaga ang ipinagpapatuloy ko at ini-improve ko sa sarili ko.”

Kahit pa nagkaroon ng lockdown sa Riyadh dahil sa Covid-19, hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang OFW na si Celvin.

'Nag-focus ako doon sa cassava cake ko. Ayun nag-click siya dumami yung nag-oorder, hanggang sa nag-decide po ako na gawin ko na lang sideline yung pagiging massage therapist at magpo-focus ako sa pagbebeyk ko ng cassava cake ng mga kakanin' proud na sinabi ni Celvin."

Para hindi magsawa ang kaniyang customers, nakaisip din ng paraan si Celvin para balik-balikan pa rin ng kaniyang mga parokyano ang kaniyang mga kakanin.

“Apat na slice ng cassava cake, biko, maja, at puto flan, ginawa ko po siyang mix in a box. So meron na po siyang apat na flavors sa isang box, doon po siya nag-click.” masayang ikinuwento ni Celvin.

Source: Celvin Undag (Facebook)

Ngayon, nais na raw ng kaniyang amo sa spa na magtayo na sila ng sariling bakeshop.

May mensahe naman si Celvin sa mga kapwa niya OFW na nagnanais magsimula ng negosyo.

“Kung saan man kayo, kung may talent kayong mag-bake, lahat kung anong mga talent niyo, huwag kayong mawalan ng pag-asa na i-apply niyo 'yan, ipakita niyo sa buong mundo, ipakita mo sa lahat 'yang talent mo, dyan ka kasi talaga aasenso, diyan ka aangat sa buhay. Maraming mga pagsubok na darating pero wag kayong mawalan ng pag-asa, tiwala lang kay God.”

Isa lamang si Celvin sa maraming pinoy na nakipagsapalaran sa ibang bansa at matiyagang hinanap ang negosyong magdadala sa kanila sa tagumpay.

Kung gusto mong panoorin ang buong panayam ng Stories of Hope kay Celvin, narito: