
Masayang ipinagdiwang ng OPM icon at host na si Ogie Alcasid ang kanyang kaarawan sa It's Showtime ngayong Biyernes (August 22).
Ipinamalas ni Ogie ang kanyang husay sa pag-awit nang mag-perform sa nasabing noontime variety show. Kinanta ng It's Showtime host ang kanyang mga awiting “Ikaw Sana” at “In Lab.”
Bukod dito, nakisaya rin ang hosts at madlang people sa kantahan.
Matapos ito, ibinahagi rin ni Ogie ang kanyang wish para sa kanyang birthday.
Aniya, "Para sa pamilya ko na lang, lalo na 'yung asawa ko, manatili siyang mahusay ang pangangatawan. 'Yung mga anak ko, na lagi silang masunurin sa Panginoon, lagi silang faithful sa Panginoon. 'Yun lang naman, napaka-simple lang ng hiling. Good health for me."
Labis din ang pasasalamat ni Ogie sa kanyang It's Showtime family.
Dagdag niya, "Maraming salamat sa inyo, guys. Alam n'yo dito sa Showtime, kayo ay talagang pamilya ko na."
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
SAMANTALA, TINGNAN ANG SWEET MOMENTS NINA OGIE ALCASID AT REGINE VELASQUEZ SA GALLERY NA ITO.