GMA Logo Ogie Alcasid
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

Ogie Alcasid reveals birthday wish on 'It's Showtime': 'Sana manalo kami sa Magpasikat'

By Dianne Mariano
Published August 28, 2024 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars 2026: All the memorable moments
50 brgys in 10 LGUs affected by ash fall from Kanlaon Volcano

Article Inside Page


Showbiz News

Ogie Alcasid


Nakatanggap ng masayang pagbati at birthday cake ang OPM icon at host na si Ogie Alcasid mula sa kanyang 'It's Showtime' family nitong Martes.

Ipinagdiwang ng OPM icon at It's Showtime host na si Ogie Alcasid ang kanyang 57th birthday noong August 27.

Bago nagsimula ang segment na “Showing Bulilit,” nakatanggap ang singer-songwriter ng masayang pagbati at birthday cake mula sa kanyang kapwa hosts sa naturang noontime variety show.

Tinanong naman ng host na si Amy Perez kung ano ang birthday wish ni Ogie.

“'Yung wish ko, sana manalo kami sa Magpasikat,” aniya.

Hirit ni Amy, “Kung ano'ng wish mo, 'yun na rin ang wish namin.”

Matatandaan na inanunsyo noong August 19 ang teams para sa “Magpasikat 2024” at ang mga kagrupo ni Ogie ay sina Kim Chiu, MC, at Lassy.

Noong August 24, nagkaroon ng birthday prod si Ogie at inawit niya ang Gen-Z version ng ilan sa kanyang timeless hits na “Nandito Ako,” “Kung Mawawala Ka,” at “Bakit Ngayon Ka Lang."

Mayroon ding heartfelt birthday wish ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez para sa kanyang asawa.

"Ako gusto ko lang na maging successful lahat 'yung mga ginagawa niyang projects for other people," sabi niya.

Dagdag pa niya, "Ang prayers ko na hindi siya mapagod dahil ang dami niyang ginagawa. Meron siyang everyday, nagpo-produce pa siya, and then he continues to write songs, he continues to reinvent his songs, he continues to reinvent himself.

"So, I think in the business it's very hard to be relevant ka pa. But my husband is able to do that kasi he is not afraid to reinvent himself. Honey, I'm very, very proud of you."

Related gallery: #OgRe: Sweetest moments of Regine Velasquez and Ogie Alcasid


Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.