GMA Logo Ogie Diaz PNP statement
What's Hot

Ogie Diaz reacts to PNP's statement about gays, "Bakit ako ang ginagawang sampol?"

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 7, 2021 5:49 PM PHT
Updated January 7, 2021 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Delivery rider, nasawi matapos tumilapon at mahulog mula sa isang tulay sa Pandacan, Maynila
NPA officer, members killed in Surigao del Sur clashes
Sparkle stars walk the runway at Bench Fashion Week 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Ogie Diaz PNP statement


"Bumabagsak na po ang morale ng mga kapulisan dahil sa maling opinyon at baluktot na katapangan ng ilan..." Basahin ang buong pahayag ng mamamahayag at talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa statement kamakailan ng PNP.

Nagsalabas ng saloobin ang beteranong mamamahayag at talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa pahayag ni Makati City Chief of Police Col. Harold Depositar na kahit mga bakla ay "lalaki pa rin, lalo na if [they are] under the influence of intoxicating alcohol."

Nanggaling ang statement na ito ni Col Depositar nang sagutin ng isa sa mga suspect na imposible ang pinaparatang sa kanya dahil siya raw ay isang "bakla."

Sa isang Facebook post, umalma si Ogie sa pahayag ng PNP. Miyembro ng LGBTQIA+ community si Ogie at mayroon siyang asawa at limang anak.

"Bakit ako ang ginagawang sampol sa 'Ang bakla, pag nakainom, nagiging lalake din?'" pauna niyang tanong sa Facebook.

"Una, kahit itanong n'yo sa misis ko, hindi ako umiinom ng nakalalasing na inumin. At ginawa namin ang aming limang anak nang hindi ako lasing.

"Pero totoo sa akin 'yung when it comes to intimacy kineso, e para din akong straight barako.

"Pero after cumming to town, titikwas na naman ang mga daliri ko."

Sinabihan din ni Ogie ang mga pulis na alamin nang mabuti ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Christine at tulungan ang kanyang naiwang pamilya.

"Saka sa mga kapulisan natin, husayan na lang po natin ang imbestigasyon," dagdag ni Ogie.

"Hanapin na lang po natin ang katotohanan at tulungan n'yo na lang po ang pamilya ng biktima at mga sangkot na makamit ang hustisya sa maintrigang pagkamatay ng flight attendant.

"Bumabagsak na po ang morale ng mga kapulisan dahil sa maling opinyon at baluktot na katapangan ng ilan.

"Dapat 'pag pulis ang pinag-uusapan, kasunod nang deskripsyon diyan ay proteksyon at seguridad - hindi takot at pangamba.

"Pwede naman nating iangat ang dignidad at integridad ng kapulisan, e. Pero nagsisimula 'yan sa kanilang hanay, pupuri lang kami kung may kapuri-puri."

Newbie actor Ali King denies alleged involvement on Christine Dacera case

Claire Dela Fuente, ipinagtanggol ang anak na nadawit sa pagkamatay ni Christine Dacera

Samantala, narito ang ilang straight celebrities na todo-suporta sa LGBTQIA+ community: