GMA Logo ogie diaz
Source: Ogie Diaz Showbiz Update (YT)
What's Hot

Ogie Diaz, titigil na ba sa pagbabalita tungkol kay Bea Alonzo?

By Aedrianne Acar
Published June 20, 2024 12:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

ogie diaz


Alamin ang reaksiyon nina Ogie Diaz at Mama Loi tungkol sa isinampang reklamo sa kanila ng aktres na si Bea Alonzo.

Mainit pa rin na pinag-uusapan ngayon ang complaint na inihain ng multi-awarded actress at entrepreneur na si Bea Alonzo laban sa mga showbiz columnists at vloggers na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz noong May 2024 sa Quezon City Prosecutor's Office.

Nitong Martes, June 18, nag-file entertainment vlogger na si Ogie ng counter affidavit. Habang ang kang co-host na si Mama Loi ay nag-file ng counter charges na perjury with damages laban sa aktres.

Dahil sa isyung ito, napag-usapan ni Ogie at ng kanyang kasamang si Mama Loi sa kanilang latest vlog nitong Miyerkules, June 19.

Dito, nagbigay ng saloobin si Ogie kung titigil na ba sila pagbabalita ng anumang ulat tungkol sa Kapuso actress.

Lahad ng talent manager at vlogger, “So, yung iba sinasabi nila, 'Baka hindi na kayo magbalita ng Bea [Alonzo].' Sabay harap nito kay Mama Loi at tinanong, “Gusto mo pa ba?”

Natawa bigla si Mama Loi at biglang pinalo sa braso ni Ogie na sumagot daw ito.

Tugon ni Loi, “Nagbalita naman tayo, ah. Kasi nga, 'di ba, in line with public interest, 'di ba. Siyempre, artista 'yan.”

Sabat ni Mama Ogs, “Public figure ka e, 'di ba. Siyempre, lahat naman... kapag nandito ka sa industriya at kahit sa politics, 'di ba? Talagang subject to public opinion,to public scrutiny lahat.

“Lahat, kahit kami ganun din. Naju-judge rin kami, naba-bash kami ng bonggang-bongga. Ayan nga sa ilalim [pertaining sa comment section ng kanilang vlog] sa comment below noh, kung ano-ano ang nababasa natin. Sinasabi sa amin, huwag na namin patulan, huwag na pagusapan.

“E, pag may balita po paano?”

Sa parehong ulat ni Lhar sa 24 Oras, nagsalita ang lawyer ni Ogie na si Atty. Regie Tongol upang bigyang-linaw ang panig ng kaniyang kliyente.

Ayon sa report ng "Chika Minute," sinabi niya, “Wala naman sinabi 'yung client namin na si Ogie Diaz at 'yung mga co-host niya... Ngunit kahit may sinabi ang co-hosts niya, ito'y nakapaloob pa rin sa fair comment doctrine na pinoprotektahan ng ating korte suprema."

Wala pang inilalabas na official statement ang kampo ni Bea Alonzo tungkol sa counter affidavit ni Ogie o tugon sa counter charge na perjury na isinampa naman ni Mama Loi (Loi Villarama).