
Don't worry, mga Kapuso, dahil kahit naka-quarantine sa bahay, sagot na ni Lola Goreng (Gloria Romero) this Sunday night ang family bonding ninyo sa Father's Day!
Panoorin ang ultimate battle ni Super Ging (Bianca Umali) at ni Chikbalang (Liezel Lopez) sa pagtatapos ng superhero story na the 'Amazing Adventures of Super Ging and Harvey.'
Matulungan kaya ni Harvey (Miguel Tanfelix) si Super Ging sa pinakamatinding laban niya?
Sinigurado din ni Lola Goreng na mapupuno ng kilig ang last episode ng kuwento ng all-powerful but pretty genie na si Genie Lyn (Barbie Forteza) at ang guwapong mangingisda na si Caloy (Ruru Madrid) sa part two ng kuwento na 'Okay Ka, Genie Ko' ng number one weekly-magical anthology on TV.
Kaya stay at home lang tayo, mga Kapuso. Mag-binge watch sa puno ng magic na back-to-back na kuwento ng Daig Kayo Ng Lola Ko. Una diyan ang 'Amazing Adventures of Super Ging and Harvey' sa oras na 7:05 P.M na susundan naman ng 'Okay Ka, Genie Ko' sa ganap na 7:45 P.M., pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho.