
Masaya ang Kapuso actors na sina Olive May at Kobie Brown na makatrabaho ang isa't isa at sa magandang pagtanggap ng tambalan nila sa GMA Afternoon Prime series na Born to Shine. Sa katunayan, looking forward pa nga ang dalawa na magkatrabaho muli sa future projects.
Sa panayam ng GMANetwork.com kina Olive at Kobie sa naganap na mall show at album launch ng programa nitong Sabado, July 18, sa SM Center Muntinlupa, ibinahagi ng dalawa kung gaano sila kasaya katrabaho ang isa't isa.
“Working with Kobie, actually po, honestly, sa lahat ng mga naka-onscreen partners ko, he's the easiest to work with. Sobra,” sabi ni Olive.
Pag-amin pa ng aktres, kinabahan siya noong una niyang makita ang aktor, lalo na at mayroon silang mabigat at emosyonal na eksena, dahil mukhang suplado ito.
“Tapos nang na-meet ko siya, very bubbly din, madaldal, tapos ngayon parang hindi namin in-expect na ganun 'yung tanggap sa amin ng mga fans. Sobrang thankful po kami kaya parang 'pag gagawa kami ng content, sobrang na-e-excite kami, ang dami naming naiisip na 'Gawin natin 'to,' ganyan,” sabi ni Olive.
“Kobie is really a good actor and I'm really looking forward na maka-work pa siya sa maraming shows,” pagpapatuloy ng singer-actress.
MAS KILALANIN PA ANG NEWEST SPARKLE STAR NA SI KOBIE BROWN SA GALLERY NA ITO:
Gaya ni Olive, gustong-gusto rin siyang nakakatrabaho ni Kobie sa serye.
“Actually, isa siya sa mga easiest people to work with 'cause she's just so chill. Basta ang energy niya is very good so we feed off each other. I'm very happy to be working with her,” sabi ni Kobie.
Ginagampanan ni Olive ang role ni Megan, isang legacy ng dalawang magagaling na singer, sina Dara (Vina Morales) at Dio (Rayver Cruz) Halari.
Si Kobie naman ay si JC, isang bar singer kung saan madalas magpunta si Megan, at kung saan din sila nagkakilala.