
Sa ikaanim na linggo ng One The Woman, ipinagtapat na ni Mario Jang kina Julie at Steve na may nag-utos sa kanya noon para sagasaan si Mina. Binalikan din ng una ang tunay na nangyari noon sa sunog na naganap sa pabrika ng Hanju Group.
Ayon kay Mario, may nag-utos lang din sa kanya para idiin na si Marvin Kang ang sumunog sa pabrika.
Agad namang pinuntahan ni Julie ang amang si Marvin para malaman ang katotohanan. Dito inamin ng huli na hindi siya ang arsonist sa likod ng nangyaring sunog sa pabrika ng Hanju Group.
Inamin din ni Marvin kay Julie na napilitan lamang siyang aminin noon na siya ang arsonist dahil inalok siya ng malaking halaga.
Sino kaya ang tunay na salarin sa sunog na nangyari noon sa Hanju Group na naging dahilan ng pagkamatay ng ama ni Steve?
Patuloy na subaybayan ang One The Woman, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.
Balikan ang mga eksena sa One The Woman:
One The Woman: Julie's past admirer | Episode 20
One The Woman: Will Atty. No back Julie and Steve's relationship? | Episode 21
One The Woman: David knows the truth | Episode 21
One The Woman: Mario Jang admits the truth | Episode 22
One The Woman: Julie confronts her father | Episode 22