
Sa ikalimang linggo ng One The Woman, nagbalik na ang mga alaala ni Julie (Lee Ha-nee).
Inamin niya na rin kay Steve (Lee Sang-yoon) na siya ang anak ng arsonist na si Marvin Kang, ang taong pinaghihinalaang sumunog sa dating pabrika ng Hanju Group na naging dahilan ng pagkamatay ng ama ni Steve.
Sa kabila ng katotohanan, hindi nagbago ang pagtingin ni Steve para kay Julie. Wala rin siyang galit para sa huli.
Samantala, muling inamin ni Kevin (Lee Won-geun) ang tunay na nararamdaman para kay Julie. Sa ikalawang pagkakataon, muli ring tinanggihan ni Julie ang pag-ibig ni Kevin.
Patuloy na subaybayan ang One The Woman, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.
Balikan ang mga eksena sa One The Woman:
One The Woman: Off the record | Episode 16
One The Woman: Julie visits his father | Episode 17
One The Woman: Is Steve willing to accept Julie's true identity? | Episode 17
One The Woman: Kevin admits his true feelings to Julie | Episode 18
One The Woman: Drunk Julie asks for help | Episode 18