GMA Logo One True Love in I Heart Movies digital channel
What's on TV

'One True Love' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ipalalabas sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published August 11, 2026 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

ON HOLD Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) August 11, 2026 [HD]
OSAP brings medical, rice aid to vulnerable families in Zamboanga Sibugay
Quezon City Veterinary Department opens pet evacuation area

Article Inside Page


Showbiz News

One True Love in I Heart Movies digital channel


Kabilang ang 'One True Love,' starring Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Romantic movies ang hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.

Isa na diyan ang 'One True Love' na pinagbidahan nina Mr. Dingdong Dantes at Primetime Queen Marian Rivera.

Gaganap dito si Dingdong bilang Migs, habang si Marian naman ang kanyang asawang si Joy.

Sa kasamaang palad, maaaksidente si Migs at magkakaroon ng amnesia. Hindi niya maaala si Joy at ang huling alaala niya ay ang ex-girlfriend na si Bela, played by Iza Calzado.

Magpaparaya ba si Joy dala ng pagmamahal niya kay Migs?

Abangan ang 'One True Love,' August 15, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag ding palampasin ang pelikulang 'Batanes,' starring Iza Calzado at F4 member Ken Chu.

Kuwento ito ni Pam (Iza Calzado), isang Manila girl na mai-in love sa Ivatan na si Rico (Joem Bascon). Iiwan niya ang buhay sa Maynila at sasama siya kay Rico sa Batanes para magpakasal at magsimula ng sarili nilang pamilya.

Isang araw, hindi nakauwi si Rico mula sa pangingisda. Maiisip ni Pam na umuwi na lang sa Maynila ngayong wala na ang kanyang asawa.

Pero bigla niyang matatagpuan ang Taiwanese na si Kao (Ken Chu), na walang malay sa isang isla. Aalagaan niya si Kao kahit na hindi ito tanggap ng kanilang pamayanan dahil karaniwang illegal fishers ang mga Taiwanese sa Batanes.

Abangan ang 'Batanes,' August 11, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.