
Masusubukan ang pasensya at managerial skills ni Boss EZ (Vic Sotto) ngayong Sabado ng gabi lalo na at maghahanda sila ng crew niya na puro Gen Z sa nalalapit na grand opening ng kanilang convenience store.
Katuwang ang anak ni Spark (Jose Manalo) na si Kitty (Sofia Pablo) na punong abala sa online orders, maitawid kaya nila nang maayos ang pagbubukas ng negosyo nila?
Humanda rin na ma-meet ang mga karakter na aabangan n'yo linggo-linggo tulad ng guwapong si AL (Allen Ansay) at mga heartthrobs na sina Andoy (Anjay Anson), Kokoy (Kimson Tan), Fred (Abed Green) at Doe (Bruce Roeland).
Makikigulo rin sa Open 24/7 staff ang ang self-proclaimed na manager na si Bekbek (Riel Lomadilla).
Alamin din kung hanggang kailan makakalusot ang pagpapanggap ni Mikaela (Maja Salvador) bilang Mike na ngayon ay cashier na ni Boss EZ!
Tiyak riot ang mangyayari kapag nalaman ng kapatid ni Spark na na-hire niya ang kikay girl na nakaaway niya.
Huwag palagpasin ang second episode ng bagong sitcom na Open 24/7 ngayong June 2, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:15 p.m..
MOMENTS CAUGHT ON CAM DURING THE 'OPEN 24/7' MEDIA CONFERENCE: