
Maraming humanga at sumang-ayon sa kanila ni Darren Espanto at Cianne Dominguez sa nagging usapan nila sa noontime program na It's Showtime nitong Sabado (July 20).
Sa patok na segment, "EXpecially For You," nagdiskusyon kasi ang mga host tungkol sa situationship o relasyon na walang label at commitment.
Napatanong si Jhong Hilario kung okay lang ba magsabi ng "I love you" kahit hindi opisyal ang kanilang relasyon.
"Question, 'yung situationship ba nag-'I love you'-han ba din?" tanong ni Jhong.
Nang tinanong naman ni Vice Ganda si Jackie Gonzaga kung naranasan niya ba pumasok sa ganoong sitwasyon, nag-oo ang Ate Girl host. Pero klinaro ni Jackie na hindi siya nagsasabi ng "I love you" kapag nasa situationship lang sila.
Tinanong din ni Unkabogable Star si Darren Espanto na may halong biro na siya ay mas may experience sa ganoong klaseng relasyon.
"Si Darren tanungin ni'yo. Maraming ganyan si Darren. Nag I-I love you ba 'yung mga ano, nasa relationship?" tanong ni Vice.
"Dapat hindi," sagot ni Darren.
Paliwanag din ng Asia's Pop Heartthrob, "Kasi wala naman kayong commitment sa isa't isa. Ang 'I love you' should be something na between you and your partner na talaga. 'Yung parang alam ni'yong sa'yong dalawa lang iyon. 'Pag sinabi mo na."
Nagbahagi rin ng opinyon si Cianne, sinabing hindi talaga dapat magbitiw ng mga ganoong salita kung wala naman kasiguraduhan ang relasyon.
Aniya, "Hindi, hindi. Kasi hindi siya commitment talaga, eh. Talagang ano lang parang mutual understanding lang na, 'Gusto mo 'ko, gusto kita. Pero wala tayong commitment. Walang kasiguraduhan.'"
Dahil sa mga sinabi ng dalawang host, marami ang sumang-ayon at pinag-usapang ang kanilang opinyon sa social media.
the situationship qstn makes so much sense to me, realistically at that age, if you get married then everything you both own will be conjugal property. i think dapat may mag introduce kay mother ng prenuptial agreement para di na sya goods with situationship lng #ShowtimeRampaNa
-- peeliph (@peeliphue) July 20, 2024
Maliban dito, marami rin ang natuwa para kay Cianne nang ipinagmalaki niya ang kaniyang "in a relationship" status.
Nang tanungin kasi ni Vice kung ano ang kaniyang relasyon, sagot ni Cianne na "relationship" ito at hindi "situationship."
"Taray umamin," pakilig sinabi ni Vice.
Masaya rin ang ibang host habang sinasabi nila, "May jowa na si Cianne" nang paulit-ulit.
"Deserve! Deserve ko ng label," sinabi ni Cianne na may halong kilig.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Samantala, balikan ang engrandeng debut ng It's Showtime sa GMA sa gallery na ito: