
Isang throwback Thursday ang inihanda ng Family Feud kasama ang ilan sa mga hinahangaang OPM stars.
Ngayong August 21, ang legends ng Original Pilipino Music at isa sa '90s premier vocalists at ang kaniyang bagong banda ang maghaharap sa Family Feud stage. Iparirinig pa nila ang kanilang well-known voices sa Family Feud viewers.
Siguradong aabangan din ng mga home viewers ang Guess More, Win More promo. Sa Guess More, Win More promo, walong winners ang mananalo ng PhP 10,000 araw-araw at isa ang may pagkakataong makapag-uwi ng PhP 100,000 kada linggo sa Family Feud.
Sa team na OPM Icons, mapapanood ang legendary singer, actress, film and theatre producer, at isa sa founders of OPM o Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit na si Celeste Legaspi. Siya ang nagpasikat ng mga kantang “Saranggola ni Pepe”, “Tuliro”, “Gaano Ko Ikaw Kamahal?”, at “Mamang Sorbetero”. Makakasama niya sa Family Feud ang mga kaibigan at fellow singers. Ang champion ng 3rd Metro Pop Music Festival noong 1980 na si Leah Navarro; veteran host and vocalist na si Pinky Marquez; at ang Mr. Balladeer Bo Cerrudo na nag-revive ng “Pag Tumatagal, Lalong Tumitibay”.
Ang pop-rock-jazz singer-composer na si Joey Generoso naman ang magiging leader ng team na Joey G & The Henies. Makakasama niya sa team ngayong Huwebes ang The Henies na short for “Henerals” o “Henyos.” Sila ay ang bassist na si Mark Decena; guitarist na si Richard “Tat” Suzara, at si Neil Gregorio na music and entertainment director ng Widescope Entertainment.
Huwag magpahuli sa fun, friendly but fierce battle ng OPM Icons at Joey G & The Henies sa Family Feud mamayang 5:40 p.m. sa GMA.
Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: